Payo ng netizens kay Vice: Wag nang patulan si Quiboloy, mag-sorry na lang | Bandera

Payo ng netizens kay Vice: Wag nang patulan si Quiboloy, mag-sorry na lang

Ervin Santiago - May 26, 2020 - 07:52 AM

Vice-Quiboloy

TEAM Vice Ganda versus Team Apollo Quiboloy! 

Kanya-kanyang komento ngayon ang madlang pipol sa muling pagsasalita ng founder at leader ng Kingdom of Jesus Christ, The Name Above Every Name laban kay Vice sa ginawa nitong paghahamon at panghihiya noon sa kanya sa It’s Showtime.

Nag-ugat ito nang hamunin ng TV host-comedian si Quiboloy na pahintuin nito ang traffic sa EDSA at ang FPJ’s Ang Probinsyano ni Coco Martin matapos nga nitong ibandera na siya ang nagpahinto sa malakas na lindol sa North Cotabato noong Oct. 31, 2019. 

Hirit ni Quiboloy, “Nalulungkot ka, Vice, nalulungkot ka sapagkat hindi mo mapigilang umiyak dahil wala na yung mga programa niyo?

“Alalahanin mo, naghamon ka, hinamon mo ako noon. Ang saya-saya niyo noon. Naghahalakhakan kayo. Nag-prophesize ka, Vice. O ngayon, wala na yung programa mo, wala na yung network mo. Malinis na ang EDSA. Dapat masaya ka sapagkat natupad ang lahat ng hamon na ginawa mo.”

Dagdag ng pastor, “Ngayon, naniniwala ka na, karma is real. O, bumalik sa ‘yo, di ba, at ngayon, umiiyak ka. O, bakit hindi kayo humahalakhak?”

“Bakit ka umiiyak ngayon at nalulungkot? Tanungin mo ang sarili mo. Yun ang dahilan, Vice, yun ang dahilan para patotohanan lang ng Diyos sa ‘yo, si Pastor Apollo Quiboloy ay hindi pumunta rito sa kanyang sarili lang. Lesson ‘yan. I hope that you learned your lesson,” aniya pa.

Sa comment section ng Bandera Facebook page, sunud-sunod ang pagpo-post ng reaksyon ng mga netizens. May mga kumampi kay Quiboloy at meron ding nagtanggol kay Vice.

Sabi ni Kenneth Rubite, “Let’s not use our physical eyes as the basis of our faith, instead use ourselves as living proofs that there’s is only one God who lives in everyone’s heart. 

“Only you, yes you, would know who God is to you and to your life. Personal relationship with God should be our eyes towards the truth. Let’s always stick to what the Bible says. ‘Yun lang po. God bless everyone and keep safe,” aniya pa.

Para kay Milagros Go, “Ang taong maka Diyos lalo na isang Pastor ay di dapat vindictive… like Jesus said when He is hanging in the Cross “Father forgive them for they do not know what they are doing” as preacher of the word of God do as you preach.”

Sey naman ni Madelyn Jayo, “I saw Quiboloy on his TV channel and he’s so vindictive. The way he speaks isn’t godly. He is full of judgement, entitlement and vengeance by the way he delivers his speech. I pity his followers.”

“Ito ba ang totoong Pastor mukhang sa impyerno ka dadalhin. God bless us,” komento ni Jenielyn Mcbride.

Ayon naman kay Andie Bonifacio, “Quiboloy knows Duterte would really push thru with the non renewal of ABS CBN franchise coz they’re friends. That’s not prophetic but evil plan…If he’s God chosen why not intervene to stop this pandemic.”

Pahayag ni Gregrio Arado, “Being a leader, should cloth yourself, a meekness personality. The most important word with great impact taught by a teacher are;the lamb,the cross, the washing of the master to his disciple, the parable of golden coin, the biblical abel and even the genesis that takes place inside each every one of us. Of so many religion speaking of one god. Yet they can’t sat together in one table before GOD. There are irreconciliable differences thàt can’t be settled as brotthers.”

Reaksyon ni Margarita Valdehueza, 

“Hindi lahat ng bagay gawin biro, totoo ang karma. Wla akong pinapanigan pero ang masasabi ko lng, si lord nanjan lng nkatunghay at nakikinig sa atin. Lord bless us.”

Sey ni Jhen Ferrer, “Bakit akala mo nanalo kana? Nakakaawa kang pastor ka. Sa takdang araw ibibigay rin sa inyo ang karapat dapat na paghukom ng mahal na panginoon na syang tunay na diyos.”

“Kung ako kay vice di nako sasagot. hingi na lang ng apology kasi napanood ko dati kung paano nila pagtawanan ang religious leader na naglalapit ng mga tao sa Panginoon. respect. balikan mo yung video para maisip mong may mali talaga,” comment ni Ronald Alas.

Para naman kay Roderick Villaflor, “Ganyan talaga ugali ni vice makapagpatawa lang d bale nang makapanakit ng damdamin ng iba.katulad ng ginawa nya ky anchor -reporter o newscaster n c mam jessica soho.”

Chika ni Noel Beltran, “Di naman ako palasimba Pero natawa ako sa nangyari kay vice. Mukhang binalik yung bato sa kanya. Sapol na sapol.”

Dumpensa naman si Siryeye Belle para kay Vice, “How dare him to say such thing. His religion exempted for paying tax while the the Comedian Paying his tax paid fully. Who have the right to complain?”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sey ni Rhea Sierra, “C god lng po tlga Ang nkakaalam Ng qng Anu Ang dapat at d dapat mangyare… Cguro PO Kya nangyare ung lahat KC my gusto CIA ipahiwatig sa ating lahat.. KC nakakalimut n PO Ang iba Kay Jesus.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending