Janine takot pa ring bumalik sa trabaho; Mark naging emosyonal sa charity event | Bandera

Janine takot pa ring bumalik sa trabaho; Mark naging emosyonal sa charity event

Ervin Santiago - May 23, 2020 - 11:08 AM

 

NANGANGAMBA ang Kapuso actress na si Janine Gutierrez sakaling ipatupad na ang “new normal” sa paggawa ng teleserye at pelikula.

Para kay Janine, ang kalusugan at kaligtasan pa rin ng lahat ang dapat nasa top priority sa panahon ngayon kung kailan lumalaganap ang nakakabahalang sakit na COVID-19. 

Pag-amin ni Janine sa panayam ng GMA, ilang mga pelikula nito ang naapektuhan dahil sa ipinatupad na enhanced community quarantine at isa na rito ang sasali sana sa isang international film festival. 

Naka-schedule sana ang opening day noong April 11 ng kanyang pelikula kasama si Paolo Avelino na pinamagatang “Ngayon Kaya” na kalahok sa Metro Manila Summer Film Festival. 

Bukod sa cancelled trips niya sa Japan at Bangkok pati na rin ang mga naantalang taping, mas nangingibabaw kay Janine ang pagbibigay importansya hindi lang sa kanyang kalusugan kung hindi pati na rin sa lahat ng kanyang nakakasalamuha.

 “Cases are still rising, ‘di ba? So parang mahirap talaga mag-shoot eh. We don’t know yet kung anong magiging precautions ng network or ng mga production companies,” sey ng girlfriend ni Rayver Cruz.

Kasalukuyan nang inaayos ang mga guidelines sa muling pagbabalik ng produksiyon ng telebisyon at pelikula sa ilalim ng tinatawag na “new normal” dulot ng kinakaharap na pandemya.

                          * * *

Maituturing na isa sa pinakamalaki at unforgettable moments sa career ng Kapuso star na si Mark Herras ang naging journey niya sa kauna-unahang StarStruck season kung saan siya hinirang na Ultimate Male Survivor.

 

Nagdiriwang si Mark ng kanyang ika-17 taon sa showbiz at masaya siyang maging loyal Kapuso hanggang ngayon. 

“Until now, may mga events na nagpapaalala sa akin ng nakaraan ko. For example, I was a part of this charity event siguro a few months ago and nu’ng tinawag ‘yung pangalan ko, parang na-relive ko, bumalik sa alaala ko ‘yung sigaw ng tao. 

“Masarap sa pakiramdam na it’s still there, nakakatuwa lang. I’m just really thankful for everything na na-experience ko sa industriyang ‘to,” aniya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

 

Kamakailan lang ay nag-trending ang tinaguriang Bad Boy ng Dance Floor sa TikTok video niya habang sumasayaw ng pinasikat ng “Average Joe” dance craze. 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending