outbrain

‘Milyones ang kapalit ng pambu-bully kay Kim Chiu sa socmed’

By Cristy Fermin May 20,2020
share this

‘Milyones ang kapalit ng pambu-bully kay Kim Chiu sa socmed’

By Cristy Fermin May 20,2020
share this

KIM CHIU

TOTOO, wala ngang aksidente sa mundong ito, lahat ay nagaganap sa takdang oras. 

Kahit sa pinakanegatibong senaryo ay may makikita pa rin tayong positibo.

    Tulad na lang ng emosyonal na unang litanya ni Kim Chiu dahil sa pagpapasarado sa ABS-CBN, nu’ng ipinanganak ang pinagpistahan niyang classroom law o batas sa silid-aralan, nakatikim ng kaliwa at kanang upak du’n ang aktres.

    Pansamantalang lumayo sa kanyang mga gadgets si Kim, nagmuni-muni muna siya, hanggang sa niyakap niya na ang katotohanan.

    Ngayon ay isa nang kumpletong video ang napapanood mula sa karanasan niyang ‘yun, “Bawal Lumabas” ang titulo, na umaani na nang milyun-milyong views ngayon hanggang sa iba-ibang bansa.

    Pinagkakitaan pa ni Kim ang sumalto niyang litanya, sikat na sikat na ang kanyang video.

Isinasayaw na ngayon ng mga kababayan natin ang komposisyon na nag-ugat lang sa pagtatawa sa kanya ng mga bashers.

    At napakapositibo ng kanyang pagtanggap sa sitwasyon, pinagtawanan niya rin ang kanyang sarili tungkol sa law of classroom, kaya maraming humahanga sa magandang ugali ni Kim.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending