Netizens na-shock sa itsura ngayon ni Joshua: Sobrang payat!  | Bandera

Netizens na-shock sa itsura ngayon ni Joshua: Sobrang payat! 

Julie Bonifacio |May 18,2020
facebook
share this

Netizens na-shock sa itsura ngayon ni Joshua: Sobrang payat! 

Julie Bonifacio - May 18, 2020 - 09:20 AM

SHOCKED ang netizens sa itsura ngayon ng Kapamilya actor na si Joshua Garcia.

Usap-usapan sa social media ang bagong litrato na ipinost ni Joshua sa kanyang Instagram account. Ito’y para sa online protest ng mga Kapamilya stars para sa pagpapatigil ng operasyon ng ABS-CBN.

    “Hagardo Versoza” (read: haggard) ang mukha ni Joshua sa piktyur at ang payat-payat niyang tingnan sa suot na black t-shirt na may collar habang nakapatong sa dibdib ang kanang kamao.

     Nilagyan ni Joshua ang kanyang IG photo ng caption na, “#LabanKapamilya#NotoABSCBNShutdown.”

      Mabilis ang reaction ng mga fans and followers ni Joshua sa pagpansin sa itsura niya ngayon. 

     But at the same time, may mga tagahanga din si Joshua sa kanyang IG account ang nabahala sa itsura niya sa piktur especially ang mga supporters ng JoshNella, ang fans ng loveteam nila ni Janella Salvador.

     Comment ng isang may account name na @neneberry, “Ang payat mo sobra. Saan na ang dating baba? Yung punung-puno ng kagwapuhan???”

     Sagot naman ng isang follower ni Joshua sa IG, “Siyempre madami siyang trabaho nu’ng bago mag lockdown  sunud sunod saka napupuyat siya kaka games halos madaling araw na soya natutulog.”

     Sa past interviews ni Joshua ay inamin naman niyang naglalaro siya ng kinababaliwan ng mga kalalakihan ngayon, ang computer game na ML (Mobile Legend).

     Say naman ng isa pang netizen,  “Nagpapapayat kasi yan at nagpa practice para sa bago niyang movie.”

   

   “Hindi healthy ang puro games dapat ingat din at alagaan ang katawan.  I hope Josh mapansin niya?”

    “Matagal na siyang nagpapapayat. Napuyat din siguro sa kaka computer.”

    “Wala pa naman taping. Eh dapat nagpa chubby muna sya ng kunti. Hindi maganda pag sobrang payat. Nakakabawas pogi points.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

     Yan ang iba pang comments ng fans ng ex-boyfriend ni Julia Barretto.

   

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending