Mariel damay sa pagka-bad trip ni BB kay Robin: Wag mo akong daanin sa pa-live-live!  | Bandera

Mariel damay sa pagka-bad trip ni BB kay Robin: Wag mo akong daanin sa pa-live-live! 

Julie Bonifacio |May 16,2020
facebook
share this

Mariel damay sa pagka-bad trip ni BB kay Robin: Wag mo akong daanin sa pa-live-live! 

Julie Bonifacio - May 16, 2020 - 09:45 PM

MARIEL RODRIGUEZ AT ROBIN PADILLA

NADAMAY na rin si Mariel Rodriguez at ang talent manager na si Betchay Vidanes sa paglalabas ni BB Gandanghari ng sama ng loob kay Robin Padilla at sa kanyang pamilya.

Sa kanyang Mornings with BB vlog sa YouTube, naglabas uli ng sama ng loob ang dating si Rustom Padilla kaugnay ng naging pahayag ni Robin.

  Nag-react si BB sa sinabi ni Robin sa isang video na in-upload sa social media account ni Mariel last May 13.

      Narito ang pagbati ni Robin, “Mabuhay po sa inyo at siyempre po, sa pamilya natin. Kahit kay BB, BB, tigilan mo na ang kakatampo. Uh, mahal ka namin. Marami lang nangyari sa pamilya natin nu’ng pumasok ang 2020.”

     Sinabihan ni BB ang kapatid na tigilan na ang public imaging,  “Tigilan natin ang pagpapaguwapo o pagpapabango at my expense, okay? Love is the most abused word

 So, kung love ang paguusapan at ganoong klaseng pagmamahal ang sinasabi nyo sa akin at pinaparamdam ninyo sa akin, then,  maybe this needs a conversation.”

     

     Nabanggit ni BB na ikinasama ng loob niya ang pagkakalat ni Robin noon sa isang panayam dito sa Pinas na Uber driver lang siya sa Amerika.

   “Grabe ka, Robin. Nu’ng panahon na nag-i-struggle ako rito sa Amerika, ano ang ikinalat mo sa Pilipinas? Na nag-u-Uber ako, that’s all I do?

     “You don’t want me to succeed, why? You want me to struggle. You want me to crawl. Why? Ngayon na maganda ang takbo ng YouTube ko, you’re doing this? Why?

      “You can’t even call me and say, ‘Congratulations, Utol.’ Magla-live ka to impress the people that I have problem? Why?” diin ni BB.

       Kahit konting suporta raw emotionally ay wala siyang nakuha from Robin “Hindi mo ako sinuportahan emotionally dito — sa struggles ko rito, sa dreams ko rito.

    “(Sa) 50th birthday mo, ano’ng sasabihin mo sa harap ng mga tao? ‘Si BB…. ah, huwag muna nating pag-usapan ‘yun.’ Are you diminishing me? You think, what I’m doing here is easy?” aniya pa.

     Sinita rin ni BB ang post ni Robin sa kanyang IG account noong Mother’s Day, “(Noong) Mother’s Day, ano’ng ipinost mo? Piktyur ng manager mo. At buong-ningning mong sinabi na, ‘Eto po ang nanay naming lahat.’

     “Excuse me! ‘Yan ang… uh, oo. Tama. Hindi na nga ako Padilla,” sabi ni BB. Ang tinutukoy niya ay ang manager ni Robin na si Betchay Vidanes.

    Tiinawag din ni BB ang atensiyon ni Betchay sa kanyang video at sinabi na tigilan na raw siya nito, “Tigilan n’yo ang Instagram ko. Tigilan n’yo ang pagsasabotahe sa akin. 

     “Robin, tigilan ninyo. Namumuhay ako nang simple. Hindi ko hinahangad na magkaroon ng milyon. Huwag ninyong sabotahihin ‘yung konting kinikita ko. Hindi ‘yun kawalan sa inyo,” diin pa ni BB.

      Ang tanging respeto raw na meron siya para kay Robin ay dahil akala niya ay ang mister ni Mariel  ang tatayong tatay sa kanilang pamilya.

    “Ngayon, ang nanay, pagkananay, ibinigay mo ru’n (sa manager ni Robin)? Pati ang nanay natin, pina-nanayan mo na? Why? Siya ba ang nagpakain sa ‘yo?” himutok pa ni BB kay Robin na mas binigyang-tribute pa raw ang manager kesa sa kanilang inang si Mommy Eva Cariño.

    At sa huli, pati si Mariel ay nadamay na sa galit ni BB kay Robin, “At itong si Talking Mariel, huwag mo akong daanin sa pa-live-live, huh?” Tapos ay binalikan niya ang pagbibigay ng mensahe kay Robin, “Termullo ka na rin ba Robin Padilla.”

    Ang Termullo ay apelyido ni Mariel noong dalaga pa siya.

     Inamin ni BB na extra income para sa kanya ang pagba-vlog. Kaya feeling ng netizens, hindi siguro napagbigyan ni Robin si BB para sa kanyang vlog.

    Mabuti pa nga  raw si Robin maraming  oras kesa sa kanya. Base raw yon  sa post ni Mariel na nanonood sa Netflix at paglilinis sa laruan ng kanilang anak.

     “Ilang beses na akong nagkasakit dito. Hindi pwedeng ihiga kundi mamamatay ako sa gutom kesa sa sakit,” aniya pa.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

     Pinaabangan naman ni BB sa kanyang viewers sa  YouTube ang susunod niyang vlog na pinamagatan niyang  “Who Killed RP (Rustom Padilla)?” 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending