Romy Vitug kailangan ng blood donor; Yorme nagpasalamat kay Arjo | Bandera

Romy Vitug kailangan ng blood donor; Yorme nagpasalamat kay Arjo

Reggee Bonoan - May 13, 2020 - 08:47 AM

HUMIHINGI ng tulong ang award-winning veteran cinematographer na si Romy Vitug na isinugod sa ospital kamakailan.

Nangangailangan ngayon ng blood type A+ si G. Vitug. Base sa findings ay mayroon siyang Megaloblastic Anemia to Myelodysplastic Syndrome.

Kasalukuyan siyang naka-confine sa GENTRIMED (Gentrimedical Center and Hospital), Santusan St. Barangay Manggahan sa General Trias, Cavite. 

Sa mga gustong tumulong ay makipag-ugnayan sa mga numerong (046)4240888, Loc.113 o 0917-5746870.

Si G. Vitug ay 83 years old na at aktibo pa rin bilang cinematographer sa mga pelikula.

Bukod sa dugo ay kailangan din niya ng tulong pinansiyal at puwede siyang tawagan sa mga numerong 09772639684 at 09177634826.

 * * *                                                 

Bading ba ang karakter ni Arjo Atayde sa iWant original movie na “Love Lockdown” handog ng Dreamscape Digital Entertainment na mapapanood na simula sa Mayo 15.

 Base kasi sa trailer ay ipinakitang naka-red lipstick si Arjo. Sabagay hindi naman namimili ng role ang aktor at tulad nga ng lagi niyang sinasabi, “Hindi po ako namimili ng role, kahit ano dahil every role, I took it as a challenge.”

Kabaligtaran ang karakter na mapapanood ngayon kay Arjo sa digital movie na “Love Lockdown” sa nauna niyang iWant series na “Bagman” bilang si Benjo Malaya na astigin at palaban.

Anyway, hindi ito ang unang beses na gumanap na bading si Arjo dahil napanood na siya sa Maalaala Mo Kaya noong 2014 at 2017 sa gay role.

Samantala,  nitong nakaraang linggo lang pala kinunan ang “Love Lockdown” na sakto ang titulo dahil naka-ECQ ang buong bansa kung saan tatalakayin ang iba’t ibang buhay ng bawa’t karakter kung paano nila naitatawid ang mga araw nila sa panahon ng pandemya.

Kasama rin dito sina Angelica Panganiban, Jake Cuenca, JM de Guzman, Tony Labrusca, Kylie Versosa at Sue Ramirez mula sa direksyon nina Andoy Ranay, Darnel Villaflor, Noel Escondo at Manny Palo.

Kapag nag-click ang “Love Lockdown” ay mauuso na ang ganitong istilo ng taping/shooting ng digital movies at series lalo’t kabilang ang Metro Manila sa binigyan ng modified enhanced community quarantine.

Sa pagkakaalam namin, sa panibagong rules and regulations kapag bumalik na ang entertainment industry ay limitado na sa 50 katao sa produksyon kasama na ang mga artista para may social distancing pa rin.

Going back to Arjo ay personal na pinasalamatan siya ni Manila Mayor Isko Moreno dahil nag-donate sila ng kanyang amang si Art Atayde ng 1,000 sakong bigas para sa mga taga-Maynila.

 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

 

 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending