Janine, Rayver nagpakilig sa Mukbang game; Katrina umarte-arte sa Palawan
NAGPASABOG ng good vibes at kilig ang Kapuso couple na sina Janine Gutierrez at Rayver Cruz sa kanilang first ever YouTube vlog together.
Mapapanood dito ang kanilang pagsabak sa Mukbang challenge at food trip na talagang ikinatuwa ng kanilang fans and followers sa social media.
Sa first appearance ni Rayver sa YouTube channel ni Janine, game at masayang sinagot ng magdyowa ang mga tanong ng netizens tungkol sa kanilang relationship gaya ng kung saan sila unang nag-meet, saan ang kanilang first date, at kung sino ang unang nagsabi sa kanila ng “I love you.”
At para mas maging exciting ang Q&A session, sa bawat maling sagot nila ay may parusang pitik sa noo.
Patok na patok naman sa netizens ang nakakakilig na video ng dalawa na pumalo na sa 130k views sa loob lang ng 20 oras mula nang i-upload ito.
“Ang cute niyong tingnan. I was smiling the entire vlog as in. Hope to see the dare vlog the soonest. And I hope you’ll guest him often,” sabi ng netizen na si Juliet Valdez.
Bumuhos naman ang video requests sa dalawa mula sa “Can’t Say No” challenge, “Girlfriend Does My Makeup” challenge, pati na rin ang TikTok dance challenge
Kaya wait na lang kayo kung kakasa ba sina Rayver at Janine sa hamon ng netizens.
* * *
Sa latest vlog naman ng Prima Donnas actress na si Katrina Halili, ipinasilip niya sa fans ang pagbiyahe niya sa El Nido, Palawan kasama ang anak na si Katie at mga kaibigan.
Ayon kay Kat, first time niyang libutin ang isla sakay ng isang yate, “First time ko magtu-tour, mag-a-island tour with a yacht. Arte-arte, medyo nakaahon ahon na sa buhay. Alam mo ‘yun?”
Binisita nila ang Small Lagoon at Cadlao Lagoon. Samantala, habang time out sa taping ang Prima Donnas, pansamantalang napapanood sa timeslot nito ang Onanay na pinagbibidahan nina Mikee Quintos, Kate Valdez, Cherie Gil, Jo Berry at Nora Aunor.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.