Coco Martin niratrat ng bashers; pinagtawanan ang pagiging bulol  | Bandera

Coco Martin niratrat ng bashers; pinagtawanan ang pagiging bulol 

Cristy Fermin - May 11, 2020 - 11:24 AM

COCO MARTIN

PATOLA King ang bagong bansag ngayon ng mga kababayan natin kay Coco Martin. Bukod kasi sa kanyang mga litanya tungkol sa pagpapasarado sa ABS-CBN ay talagang pinapatulan niya ang mga bashers.

    Wala siyang pinalalampas, sinasagot ng action star ang mga tumutuligsa sa kanya, hinahamon pa nga at pinagsasabihan ng kung anu-anong salita.

    Katwiran ni Coco ay napakatagal na panahon na niyang nagtitiis, pinahahaba niya ang pisi ng kanyang pasensiya, pero hindi ngayon na aminado si Coco na galit na galit siya sa pagpapasarado sa istasyong kinabibilangan niya.

    Kinukuwestiyon niya ang legalidad na pinairal ng NTC, ano raw ang kapasidad ng ahensiyang ito ng gobyerno para magpasarado ng isang network, hindi raw alam ng NTC kung gaano kalaking problema ang ibinigay nito sa mga nagtatrabaho sa ABS-CBN.

    Naglitanya rin si Coco tungkol sa kanyang buhay habang nagseserbisyo sa network, du’n siya pinuruhan nang matindi ng mga bashers, kinokontra ng mga ito ang kanyang kuwento.

    At ginagawang katatawanan ngayon si Coco, pati ang kanyang papel sa “Ang Probinsyano” ay iginagawa ng mga memes, pinag-initan siya ng mga bashers at trolls.

    Nagpapatalo si Coco Martin sa kanyang emosyon, ilang beses niyang inulit-ulit na galit na galit siya ngayon, kaya isandaang porsiyentong suporta ang ibinibigay niya sa istasyon.

    Aminado si Coco na bulol siya, ang pagiging bulol niyang ‘yun ang ginagamit laban sa kanya, tulad ng “Tino ba ang nagpatara?” na ikinabit sa kanyang retrato habang nakalabas ang dila niya.

    Pinalitan din ng dialogue ang maraming eksena niya sa “Ang Probinsyano,” pati ang mga hubad-hubad niyang larawan nu’ng mga indie movies pa lang ang ginagawa niya ay naglalabasan ngayon, hindi na nakapagtataka kung pati ang personal niyang nakaraan ay makaladkad na rin sa kuwento sa pambibira sa kanya.

    Nagkakaisa ang marami sa pagsasabi na naging marahas din kasi ang dila ng action star sa kasagsagan ng kanyang galit dahil sa pagkawala sa himpapawid ng pinakamamahal niyang network.

    Nawawala tuloy siya sa linya ng kanyang pag-oopinyon, nadidiskaril ang kanyang mga katwiran, dahil nagpatalo siya sa sobrang galit.

    Sabi tuloy ng kaibigan naming propesor, “Ngayon natin maaalala ‘yung maraming kuwento ng pag-iinit ng ulo niya sa set ng serye nila. May katotohanan nga siguro ‘yun, dahil nakita na natin ngayon ang temperamento ni Coco.

* * *

Palaging sinasabi ng mga artista ng ABS-CBN na nagpapakita ng suporta sa pamamagitan ng social media na walang kinalaman ang pamunuan ng ABS-CBN sa kanilang mga ginagawa.

    Sarili raw nilang desisyon ang pagsasalita. Hindi raw sila pinag-utusang kalabanin ang naging aksiyon ng NTC tungkol sa pagpapasarado ng kanilang balwarte.

    Nakakaaliw na namimilosopo ang komento ng mga nakakausap namin tungkol du’n, ang kanilang paniwala, “Weeee!!!! Mamatey? Hindi nga!”

    Sa pinakahuling opisyal na pahayag ng presidente-CEO ng network na si Mr. Carlo Katigbak bago sila tuluyang nawala sa ere ay malinaw ang sinabi nito na ngayon hihingi ng suporta ang ABS-CBN sa kanilang mga artista.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

    Walang paliwanag ‘yun kung paano, walang sinabi ang presidente ng kumpanya kung anong suporta ang gusto nitong tukuyin, pero malinaw ‘yun.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending