ECQ sa NCR: Sobra na, tama na, alisin na! | Bandera

ECQ sa NCR: Sobra na, tama na, alisin na!

Jake Maderazo |May 10,2020
facebook
share this

ECQ sa NCR: Sobra na, tama na, alisin na!

Jake Maderazo - May 10, 2020 - 06:46 PM

Dalawang isyu ang binabalanse ng gobyerno, kalusugan ng mamamayan at ang ekonomiya.

Nakamamatay ang COVID-19, at kabuuang 957 na ang nasasawi nating kababayan, 704 dito at 253 sa abroad. May mga pagtatalo sa “flattening of the curve” at babala pa rin sa “second wave” ng naturang virus habang wala pa ring vaccine.

Nakaiwas daw tayo sa nangyari sa Italy, Spain, US, Iran at iba pa. Pero, ang ating ekonomiya ay lumagapak sa 0.2 percent GDP sa unang tatlong buwan.

Isang economic collapse na tuloy hanggang Setyembre at magiging recession. Higit 25 milyong mamamayan ang biglang nawalan ng trabaho dito at sa abroad, kabilang ang nagsiuwing sea-based at land-based workers.

Ganoon din tumigil bigla ang mga negosyo at industriya. Umaabot na sa P2-trillion ang economic loss at ang masakit halos bankrupt ngayon ang gobyerno. Nauubusan sila ng pera para sa cash doleout sa 23 milyon na mahihirap na Pilipino.

Nangungutang tayo ng P1.45-B pero pang-isang buwan lang. Hindi pwedeng asahan ng gobyerno ang tax collection dahil patay ngayon ang lahat ng negosyo. Habang sa mga lockdown areas sa Metro Manila, Luzon at iba pang lugar, laganap ngayon ang kagutuman, malnutrisyon, kahirapan at kawalang trabaho ng bawat pamilyang Pilipino.

Sa buong mundo, ang Pilipinas ang may pinakamatinding COVID-19 lockdown na 50.83% sa “average decline in public mobility”, ayon sa sa Nikkei Asian Review. Sumunod ang India 47.83%, Thailand 31.66%, Vietnam 29.5%, Japan 13.83%, South Korea 11% at Taiwan 2.1 %.

Lumilitaw na hindi 100 percent epektibo ang lockdown ng Pilipinas at India, dahil patuloy ang pagtaas, bagamat bumagal ang kanilang confirmed cases. Mas maganda ang nangyari sa Thailand, Vietnam, Taiwan at South Korea, kung saan walang total lockdown at hindi pinatay ang kanilang ekonomiya.

Matatandaang tinakot tayo ng mga scientists na posibleng umabot ng 70,000 hanggang 200,000 ang mamamatay na Pilipino sa WHO computer models kundi aaksyon ang Duterte administration. Nagkabiglaan talaga dahil hindi natin kilala ang COVID-19 .

Walang sapat na hospital facilities, COVID ICU, personal protective equipment (PPE) ng mga health workers at walang quarantine facilities ang mga LGU at national government.

Kaya naman,rumesponde si Pres. Duterte at pinatay bigla ang ekonomiya. Pero matapos ang dalawang buwan , tila mas maraming mamamatay sa gutom kung hindi naman bubuhayin muli ang ekonomiya. At mas handa na tayong lahat ngayon bata o matanda.

Nakatikim tayo ng “hard lockdowns” at alam na kung paano iiwasan ito. Personal hygiene, social distancing, at total awareness ng taumbayan ang susi para makontrol ang pagkalat ng virus na ito.

Banggitin ko itong Sweden kung saan sinabi ng mga “WHO computer models” na 35,000 katao ang mamamatay pero ngayon, ay 3,220 lamang. Hindi sila naglockdown, bukas ang mga restoran, tindahan at mga negosyo. Sinabihan ang mga matatanda at maysakit na mamamayan na mag-isolate.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ngayon, nag-iingat sila pero normal ang kanilang buhay at ekonomiya. Sa totoo lang, pinakinggan natin ang mga scientists at DOH sa COVID-19. Ngayon naman, ekonomya ang asikasuhin natin. Wag nang hintaying mas maraming mamatay sa gutom. Alisin na ang ECQ sa Metro Manila sa lalong madaling panahon.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending