KASONG serious physical injuries ang kinakaharap ng isang security guard na sumuntok sa isang Grab driver na kailangang sumailalim sa operasyon matapos umanong mabasag ang bahagi ng bungo nito na nakaapekto sa kanyang paningin.
Si Mark Julius Canay, 34, ng Brgy. Pembo, Makati City ay nakakulong sa detention center ng Eastwood Police.
Kinilala naman ang biktima na si Romer Bacani, 30, ng Brgy. Maybunga, Pasig City.
Ipinarada umano ng biktima ang kanyang motorsiklo sa pedestrian crossing sa C5 Rd., kanto ng Richmond Rd., Brgy. Bagumbayan, Libis, upang maghatid ng ide-deliver na package alas-9 ng umaga kahapon.
Nagalit umano ang suspek kaya nagkaroon ng pagtatalo ang dalawa. Bigla na lamang umanong sinuntok ng suspek ang biktima. Sa lakas ng pagkakasuntok ay nabasag umano ang bahagi ng buto nito na may mata. Sumara ang kaliwang mata ng biktima na kailangang operahan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.