Paolo Contis kumampi kay Duterte...pero naduwag sa bashers? | Bandera

Paolo Contis kumampi kay Duterte…pero naduwag sa bashers?

fret, Ronnie Carrasco III - April 25, 2020 - 08:24 AM

EITHER self-deleted or admin-suspended ang Twitter account ni Paolo Contis after mag-post patungkol kay Sen. Antonio Trillanes.

Nag-ugat ang comment ni Paolo ng “isa pa ‘tong bastos, wala namang silbi ito” sa pahayag ng senador na naturingang may P4 trillion ang Pangulong Rodrigo Duterte, thus having no reason not to channel the funds to the citizens sa panahon ngayon ng krisis.

Nakapagsalita tuloy ito ng, “Batukan kaya kita.”

Dito na nag-tweet si Paolo, na agad ding nawala sa kanyang wall. For sure, either naduwag siya sa posibleng implications ng kanyang sinabi o natakot sa rami ng mga bashers niya.

Isa sa mga comment ay mula sa singer na si Leah Navarro who knows Paolo from Adam, at seryoso ang pagkakatanong niya kung “da who” ang aktor.

Lamang na lamang nga ang mga negatibong komento kay Paolo, wari’y ibinabalik din sa kanya kung ano rin ba ang silbi niya other than being a pea-brained B actor to this day.

Update: Nabasa ko ang isang item about this where Paolo reportedly said na hindi raw siya maka-Duterte o kaya’y matatawag na Dilawan.

Aniya, it was an anti-rebellion post daw kasi at hindi raw kailangan ng Pilipinas ang mga ganoong statement dahil sensitive ang mga tao ngayon due to COVID-19 pandemic.

According to Paolo, parang binubuyo kasi ng senador ang publiko para mag-aklas laban sa pamahalaan. 

Wala na raw siyang magagawa kung nagalit sa kanya ang mga anti-Duterte pero sa pagkakaalam niya, pinupuna rin niya sa ilang post niya ang ilang maka-Duterte.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kaya raw ang post niya ng pagkontra kay Trillanes ay general statement at hindi nanganghulugan na isa siyang DDS.

                                                                                    

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending