DALAWANG pusa sa New York ang mga kauna-unahang alagang hayop sa US na nagpositibo sa COVID-19, ayon sa mga opisyal.
Nakatira sa magkaibang lugar ang dalawang pusa sa New York state, ang epicenter ng COVID-19 sa Amerika, ayon sa Department of Agriculture at Centers for Disease Control and Prevention.
“Both had mild respiratory illness and are expected to make a full recovery,” anila.
Unang nagpositibo sa virus ang mga amo ng isa sa mga pusa bago nakitaan ng sintomas ang hayop.
Wala namang may sakit sa bahay kung saan nakatira ang isa pang pusa.
“The virus may have been transmitted to this cat by mildly ill or asymptomatic household members or through contact with an infected person outside its home,” ayon sa dalawang ahensya.
Iginiit naman nila na wala pang ebidensya na maaaring makahawa ng COVID-19 ang mga alagang hayop.
Idinagdag nila na gaya ng mga tao, kailangan din ng social distancing ng mga alagang hayop habang wala pang ginagawang pag-aaral kung paano nahahawa ng nasabing sakit ang mga ito.
“The cats should be kept indoors when possible to avoid them interacting with other animals or humans. Dogs should be kept on a leash while outside and should avoid busy areas such as dog parks,” ayon pa sa dalawang ahensya.
Pinayuhan din nila ang mga taong maaaring positibo sa COVID-19 na huwag lumapit sa kanilang alaga.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.