Walang 'military takeover' o 'martial law' sa panahon ng COVID-19 crisis | Bandera

Walang ‘military takeover’ o ‘martial law’ sa panahon ng COVID-19 crisis

Atty. Rudolf Philip Jurado - April 21, 2020 - 01:10 PM

Maaari bang ipatawag at gamitin ng Pangulo ang sandatahang lakas (Armed Forces) upang ipatupad ang enhanced community quarantine (ECQ)?

Pwede bang ideklara ngayon ng Pangulo ang Martial Law dahil sa COVID-19 crisis?

Ito ang mga katanungan ng mga readers lalo ngayon na kumalat ang iba’t ibang balita na magi-impose umano si Pangulong Duterte nang mala-martial law type na community quarantine.

Ayon sa ating Constitution, ang Pangulo ang siyang Commander-in-Chief ng Armed Forces ng Pilipinas.

Bilang Commander-in-Chief, maaari niyang ipatawag o atasan kailanma’t kakailanganin ang sandatahang lakas para pigilin o sugpuin ang lawlessness violence, invasion o rebellion.

Ito ang kapangyarihan na ginamit ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo noong 2003 nang kanyang ilabas ang General Order No. 4 (July 27, 2003). Alinsunod dito sa General Order No. 4 pinatawag at inatasan ng dating pangulo ang Sandatahang Lakas upang sugpuin o pigilan ang rebellion na tinaguriang Oakwood Mutiny.

Muli itong ginamit ni dating Pangulong Arroyo noong 2006 upang sugpuin at labanan naman ang patuloy na nagaganap na lawlessness violence, matapos magdeklara nang State of National Emergency noong February 24, 2006.

Ganoon din noong 2009 sa Maguindanao province upang sugpuin naman ang nagaganap na lawlessness violence at rebellion matapos ang tinaguriang Maguindanao massacre.

Malinaw sa Constitution na maaari lamang ipatawag o atasan ng Pangulo ang Sandatahang Lakas para pigilan o sugpuin ang lawlessness violence, invasion o rebellion kagaya nung ginawa noon ni Pangulong Arroyo.

Ang crisis ngayon na ating kinakaharap na dulot ng COVID-19 ay hindi maituturing na lawlessness violence, invasion o rebellion.

Sa madaling salita, dapat may umiiral o nagaganap na lawlessness violence, invasion o rebellion para atasan ang Sandatahang Lakas.

Kaya sa aking pananaw, hindi maaaring ipatawag o atasan ng Pangulo ang AFP para mag-implement o magpatupad ng enhanced community quarantine (ECQ) dahil walang umiiral o nagaganap ngayon na lawlessness violence, invasion o rebellion.

Pero kung sakaling magkaroon nang malawakang kaguluhan na magdudulot ng lawlessness violence, sanhi o dulot ng COVID-19 crisis, walang duda na maaaring atasang ng Pangulo ang AFP hindi para sugpuin o pigilan ang COVID-19 crisis, pero para sugpuin o pigilin ang nagaganap na lawlessness violence.

Mayroon din kapangyarihan ang Pangulo ayon sa Constitution na ipailalim ang buong Pilipinas o alin mang parte nito sa Martial Law. Ngunit maaari lang gawin ito kng mayroong nagaganap o naganap na invasion o rebellion.

Matatandaan na noong May 23, 2017 nag-isyu ang Pangulo ng Proclamation No. 216 kung saan isinailalim ang buong Mindanao sa Martial Law dahil sa umiiral na rebellion matapos pasukin at atakihin ng mga terorista ang Marawi City.

Dahil wala namang invasion o rebellion na umiiral sa ating bansa ngayon o anumang parte nito, hindi maaaring ideklara ang Martial Law.

Ang krisis na ating hinaharap ngayon dala ng COVID-19 ay higit pa sa isang lawlessness violence, invasion o rebellion.

Hindi lang mga Pilipino ang apektado at nagdurusa kundi ang buong sangkatauhan. Ngunit ito ay hindi pa rin sapat na dahilan para ipatawag o atasan ang sandatahang lakas para sugpuin at labanan ang crisis dulot ng COVID-19.

Magwawagi lang tayo sa gera laban sa COVID-19 crisi kung tayo ay susunod sa pinag-uutos na mandatory quarantine.

STAY HOME. STAY SAFE.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending