Jessy nagaka-COVID, super thankful kay Luis

Jessy nagka-COVID, super thankful kay Luis sa pag-aalaga kay Baby Peanut

Pauline del Rosario |January 12,2024
facebook
share this

Jessy nagka-COVID, super thankful kay Luis sa pag-aalaga kay Baby Peanut

Pauline del Rosario - January 12, 2024 - 10:26 AM

Jessy nagaka-COVID, super thankful kay Luis sa pag-aalaga kay Baby Peanut

PHOTO: Instagram/@jessymendiola

KASALUKUYANG naka-isolate ang celebrity mom at aktres na si Jessy Mendiola matapos magpositibo sa sakit na COVID-19.

Ang malungkot na balita ay chinika mismo ni Jessy sa pamamagitan ng kanyang Instagram Stories.

Ibinandera pa nga niya ang litrato ng kanyang mister na si Luis Manzano habang pinapadede ang panganak nilang anak na si Rosie o mas kilala bilang Baby Peanut.

Laking pasasalamat ni Jessy kay Luis dahil inaalagaan daw nitong mabuti ang kanilang anak habang siya’y may sakit.

“Thank you for taking care of her papa @luckymanzano [red heart, folded hands emojis],” sey niya sa caption.

Baka Bet Mo: Jessy aminadong na-insecure kay Luis: Siya ang naging mundo ko

Sinabi rin ng aktres na hirap na hirap siya dahil hindi niya nakakasama at nakaka-bonding ang kanyang pamilya.

Wika niya, “It’s so hard not to be with you guys, but momma has to isolate first [folded hands emoji].”

Panawagan pa niya sa publiko, “Covid is still very much around guys! Ingat.”

Jessy nagaka-COVID, super thankful kay Luis sa pag-aalaga kay Baby Peanut

PHOTO: Instagram Stories/@jessymendiola

Ito ang ikalawang beses na tinamaan ng nasabing virus ang celebrity mom.

Kung maaalala, una siyang nagkaroon ng COVID-19 last year habang ipinagbubuntis ang first baby nila ni Luis.

Dahil sa sitwasyon niya noon ay lubos na ikinahabahala ni Jessy ang pagkakaroon ng sakit.

“I never thought I would get it while 5 months (and 3 weeks) pregnant,” pagbabahagi ng aktres sa dating post.

Mensahe pa niya, “Sa mga preggy mommies/ladies, I’m sure makaka-relate kayo dito…ang hirap pala talaga magkasakit kapag alam mong may dinadala ka sa iyong sinapupunan hindi dahil sa sarili mo, pero dahil magaalala ka talaga para sa baby/anak mo at siyempre para sa asawa mo.”

At tulad ng pag-aalaga ng kanyang mister ngayon, ibinandera rin noon ng celebrity mom kung paano siya inalalayan at binantayan ni Luis noong mga unang araw ng kanyang pagkakasakit.

December 2022 nang ipinanganak ng aktres ang panganay nila ni Luis, ngunit January 7 lang nila ito ibinandera sa publiko at pinangalanang si Isabella Rose Tawile Manzano.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Matatandaang taong 2021 nang ikinasal sina Luis at Jessy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending