SA halip na gamitin upang takpan ang mukha, ginamit ng isang lalaki ang kanyang facemask upang pagtaguan ng shabu.
Dinala sa Anonas Police si Myrell Barlam, 30, residente ng Brgy. Botocan kung saan siya sinampahan ng kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act.
Nagpapatrolya ang mga tanod ng Brgy. Botocan sa Area 6, alas-5:30 ng hapon ng makita umano nila ang suspek na hawak-hawak ang kanyang facemask.
Nang malapit na ang mga tanod ay bigla umanong inihagis ng suspek ang facemask at tumakbo papalyo.
Tatlong sachet umano ang itinago sa loob ng facemask.
Nang maaresto ang suspek ay isang sachet pa umano ng shabu ang nakuha rito.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.