Pamimigay ni Angel Locsin ng P1,500 sa madlang pipol...fake news! | Bandera

Pamimigay ni Angel Locsin ng P1,500 sa madlang pipol…fake news!

Ervin Santiago |April 06,2020
facebook
share this

Pamimigay ni Angel Locsin ng P1,500 sa madlang pipol…fake news!

Ervin Santiago - April 06, 2020 - 07:46 PM

“FAKE!” Yan ang warning ni Angel Locsin sa isang Facebook account na ginagamit ang kanyang pangalan sa panloloko ngayong panahon ng health crisis.

Binalaan ng Kapamilya actress ang madlang pipol tungkol sa naka-post sa isang Facebook post na umano’y  namimigay siya ng pera sa mga naapektuhan ng COVID-19 pandemic.

Nakalagay sa FB post na P1,500 ang ipamamahagi ni Angel sa mga residente. Ang kailangan lang daw gawin ng gustong mabigyan ay magpadala ng mensahe sa ANGEL Locsin Staffed-Private Account at i-share ang kanilang post.

“Para po sa mga nasalanta ng #COVID19 mamimigay po kami ng pera 1500..ipapadala po namin dyan malapit sa Palawan Jan sa lugar nyo..basta sent inbox po dto and share this post..Maraming Salamat po,” sabi sa post.

Nag-tweet agad si Angel nang makarating ito sa kanya at binalaan ang publiko, “Again, THIS IS NOT ME. Beware of scammers sa panahong ito.”

Isa si Angel sa mga artistang tumutulong sa mga apektado ng krisis mula day one at hanggang ngayon ay gumagawa siya ng paraan para mas dumami pa ang mga tents na ibinibigay nila sa mga ospital.

Sa pamamagitan ng kanilang #UniTENTweStandPH fund drive, nakapagpatayo na sila ng tents sa public at private hospitals na maaaring tuluyan ng COVID-19 patients.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending