KABILANG ang mga national athletes na sina Margielyn Didal at Carlos Yulo sa sikat na listahan ng mga indibiduwal na nagpamalas ng kahusayan at gumawa ng marka sa kanilang mga larangan.
Ang kapwa 20-anyos na Filipino athlete ay napabiling sa sikat na Forbes Asia “30 under 30” list ng magazine na inanunsyo nito kamakailan.
“This group of relentless individuals is disrupting industries and tackling major global issues,” sabi ng magazine sa kanilang website.
Kinilala si Yulo dahil na rin sa kahusayang ipinamalas niya sa mga international tournaments kabilang ang 2019 World Artistic Gymnastics Championships kung saan nakakuha siya ng puwesto sa Tokyo Summer Olympics na gaganapin sa 2021.
Si Yulo ay kasalukuyang nasa Japan, na training base niya, upang ipagpatuloy ang pag-eensayo para sa Olympics.
Si Didal ay pinarangalan naman matapos magwagi ng gold medal sa 2018 Asian Games sa Indonesia. Siya ay inaasahan na magrepresenta sa Pilipinas at Asya sa Tokyo Olympics kung saan ang sport ay gaganapin sa unang pagkakataon. Bagamat hindi pa opisyal na nag-qualify, si Didal ay pasok sa cutoff para sa Olympic qualifiers base sa kanyang world ranking.
Ang Cebuano athlete ay kasalukuyang nasa kanyang bayan matapos ang isinagawang travel ban at lockdown sa buong mundo bunga ng banta ng coronavirus pandemic.
Ang listahan, na galing sa 3,500 nominasyon mula sa mga industry veterans, ay kinatatampukan ng 30 katao mula sa iba’t ibang kategorya na kinabibilangan ng entertainment at sports, arts, manufacturing at energy, health care at science at iba pa.
Maliban kina Yulo at Didal kabilang din ang filmmaker na si Breech Harani at ang mga entrepreneurs na sina Francis Plaza at Louise Mabulo sa mga Pinoy na napasama sa listahan.
“At the most recent Asian Games in 2018, Margielyn Didal helped win one of four gold medals for the Philippines by winning the women’s street skateboarding event. As of this writing, Didal is preparing to qualify for the upcoming Olympic Games in Tokyo, where skateboarding has been included in the Games for the first time,’” sabi ng Forbes.
Patungkol naman kay Yulo, sinabi ng Forbes ito: “Carlos Yulo is a Filipino gymnast who became the first male athlete in Southeast Asia to win a gold medal at the World Artistic Gymnastics Championships in 2019, when he won for the men’s floor exercise. His debut appearance at the 2019 Southeast Asian Games also earned Yulo two gold and five silver medals.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.