Mayor Vico: Mag-joke sa April Fools’ Day tungkol sa COVID-19 ipapasok sa isolation facility
HULING araw na ng Marso at bukas ay April 1 na, isang traditionally popular na April Fools’ Day.
Sa gitna ng banta ng COVID-19 sa bansa isang Twitter page ang nagremind sa lahat na hindi magandang biro ang tungkol sa COVID-19, lalo na kung sasabihin na positive ka rito.
“REMINDER: Tomorrow is “April Fool’s Day”, but never prank anyone that you’re #COVID19 positive. It will never be a good joke!” post ng @earthshakerph.
Ang April Fools’ ay isang sikat na tradisyon na ginagawa tuwing April 1 kung saan ang isang tao ay bibiruin o lolokohin at sasabihan ng ‘April Fools!’ bilang sensyales na siya ay na-prank
Sinagot naman ito ng mayor ng Pasig City na si Vico Sotto.
Aniya, ang mga magjo-joke tungkol dito ay ilalagay sa loob ng isolation facility ng 14 na araw.
“Ang mag-April Fools joke tungkol sa covid, ipapasok sa isolation facility ng 14 days” Vico tweeted back sa page.
Ang mag-April Fools joke tungkol sa covid, ipapasok sa isolation facility ng 14 days
— Vico Sotto (@VicoSotto) March 31, 2020
Noong March 19, ianunsyo ni Mayor Vico ang pag-convert sa isang hotel bilang quarantine facility para sa mga persons under investigation (PUI) at persons under monitoring (PUM).
Samantala, ang ang mga nagpapakalat ng fake news ay maaaring parusahan ng kulong at hanggang sa P1 milyon na fine. Sa katunayan, may apat ng kinasuhan ang Philippine National Police na nagpapakalat ng fake news ukol sa COVID-19.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.