Pang-ookray ng mga tsismosa: KC may balat daw sa pwet kaya malas | Bandera

Pang-ookray ng mga tsismosa: KC may balat daw sa pwet kaya malas

Alex Brosas - August 08, 2013 - 03:00 AM

MEDYO na-shock kami sa nabasa namin sa isang website where it said na si KC Concepcion na raw ang napili ng Dos para magbida sa another remake ng Darna.

It came as a big shock to us since hindi naman siya ang mainit na pinag-uusapan bilang Darna kundi sina Angel Locsin at Cristine Reyes.

We felt na mas deserving si Cristine na maging Darna dahil mas bagay sa kanya ang role. Isa pa, she looks sexier than KC na medyo mataba sa ngayon.

Kung totoo na si KC  na nga ang gaganap sa sikat na TV heroine ay meron palang sense ang pagsusuot niya ng costume ng Darna sa isang episode ng ASAP.

Sabi ni KC sa kanyang Twitter, isa sa bucket list niya ang makapagsuot ng Darna costume. Mukhang masyadong sinusuwerte si KC dahil hindi panandalian lamang ang pagsusuot niya ng costume, that is, kung sa kanya na nga ibibigay ang bato ni Ding.

But this early, meron nang kumokontra sa pagda-Darna ng daughter ni Sharon Cuneta. Wala pang takot na sumulat ang isang fan sa isang popular website para ipahayag ang kanyang disappointment sa pagkakapili kay KC.

In this light, marami rin ang against kay KC bilang Darna. “Kasi naman bakit darna pa ang binigay kay kc mas bagay sya sa captain barbel mas swak yung katawan nya dun..

Saka di naman sya pinay beauty eh. masyadong alta ang mukha nya para sa darna.. At isa pa di marunong umarte,” one guy commented.

Tingin naman ng isang observer ay, “May balat sa behind si KC lahat ng soaps niya hindi nagtatagal tsugi agad sa ere. Movies nya flop din. I’d rather go with cristine.”

“If si KC na nga ang magiging Darna, she needs to hit the gym ASAP! Ang sagwa tingnan ng balyenang lumilipad no!” pananaray naman ng isa pang maka-Cristine.

Pero nakakuha rin naman ng kakampi ang daughter ni Mega as one fan said, “I dont like KC but if it will be Cristine Reyes?? i’d go for KC na lng!!! I can tolerate KCs body than Cristines Attitude!”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Jusme, hindi pa man nagsisimula si KC sa Darna ay ang dami nang batikos ang inabot niya! What more kung ito’y kumpirmado na at nagsisimula nang mag-taping or mag-shooting ang anak ni Mega, ‘no? Baka maghalo na ang balat sa tinalupan!

( Photo credit to Google )

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending