DOH: May sapat na supply ng testing kit | Bandera

DOH: May sapat na supply ng testing kit

Leifbilly Begas - March 23, 2020 - 12:41 PM

MARAMI na umanong testing kit na gagamit para i-test ang mga persons under investigation kung positibo o hindi ang mga ito sa coronavirus disease 2019.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire maraming dumating na donasyong test kits mula sa iba’t ibang bansa kaya walang dapat ipangamba ang publiko na maubos ito.

“Marami pong dumating actually dumating, actually noong Sabado sinalubong natin from the Chinese Embassy 100,00 test kits,” ani Vergeire sa panayam sa radyo.

May mga test kit donation din umano na darating mula sa ibang bansa ngayong linggo.

Inaprubahan na rin umano ng Food and Drug Administration ang walong testing kit na maaaring bilhin.

“Nagpalabas na po ang FDA ng walong testing kit which can be commercially available already, so pwede na gamitin ng ating mga ospital na may laboratory capacity,” ani Vergeire.

“Gusto ko lang linawin sir hindi po napapabayaan ang ating mga PUI (persons under investigation) lahat naman po ay inaasikaso. Yung testing po nagkaroon po tayo ng limitasyon during the first few weeks hanggang last week pero ngayon po we have enough and we have already extended our capacity.”

 Ang mga dapat umanong pumunta sa ospital ay ang mga may lubhang nararamdaman at manatili na lamang sa bahay ang mga mayroong mild na sintomas dahil baka mas lumala ang kanilang kalagayan kung nasa ospital kung saan na roon ang mga may severe symptoms at mga nagpositibo sa COVID-19

 “Gusto ko lang po ipaliwanag sa lahat na ang pupunta lang sa ospital ngayon ay yung pong may severe na nararamdaman, ibig sabihin nahirapan huminga, hinihingal o kaya may ubo matagal na hindi nawawala, matagal ng may lagnat,” paliwanag ni Vergerie.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending