Ben&Ben muling magsasama-sama kontra COVID-19 pandemic
GOOD news naman para sa lahat ng mga fans and supporters ng award-winning group na Ben&Ben.
Kung miss na miss n’yo na paborito n’yong grupo, ito na ang pagkakataon para muli silang mapakinggan at mapanood habang naka-home quarantine ang buong bansa dulot ng COVID-19 pandemic.
Yes, magkakaroon din ng online show ang Ben&Ben for the benefit of COVID-19 frontliners and medical personnel.
Haharap sa madlang pipol ang siyam na miyembro ng grupo sa pamamagitan ng Facebook Live Jam sa March 27, 7 p.m..
“It’s a massive fundraising online showcase entitled Puhon: A Ben&Ben FB Live Event for the COVID-19 Efforts,” bahagi ng press statement ng Sony Music.
Magsasama-sama muli ang mga members ng Ben&Ben para sa isang fundraising concert at magpe-perform sila mula sa kani-kanilang mga tahanan bilang pagsunod na rin sa ipinatutupad na Luzon-wide quarantine.
Ang magaganap na FB Live jam ay magsisilbi ring launching ng Ben&Ben’s community-initiative website, ang www.puhon.ph..
“Puhon.ph aims to inspire, uplift, and boost the collective morale of all the key stakeholders of the COVID-19 response through uplifting stories, music, art and more,” ayon pa sa press statement ng banda.
Dito, pwedeng mag-donate ang lahat ng nais tumulong para sa frontliners at medical staff sa bansa pati na rin sa mga kababayan nating nawalan ng pagkakakitaan dahil sa COVID-19 crisis.
“All proceeds from Ben&Ben’s project are set to raise funds for COVID-19 test kits, Personal Protective Equipment (PPE) and nutrition support for frontline healthcare workers, and relief goods for daily wage earners.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.