Donasyon ng China na 2K fast test kit dumating na sa bansa | Bandera

Donasyon ng China na 2K fast test kit dumating na sa bansa

- March 16, 2020 - 01:00 PM

DUMATING na sa bansa ang unang batch na 2,000 piraso ng fast test kit para sa COVID-19 virus na donasyon ng Chinese Embassy sa Pilipinas at China Mammoth Foundation bilang tulong sa paglaban sa nakamamatay na sakit.

Ayon kay Chinese Ambassador Huang Xilian, magpapadala pa ng dagdag na test kit ang China sa mga susunod na araw, sa kanyang ginawang pakikipag-usap sa telepono kay Executive Secretary Salvador Medialdea hinggil sa latest developments sa donasyon ng China sa Pilipinas.

Ang high-tech fast test kits na dinivelop ng China BGI Group, ay kayang maglabas ng resulta sa loob lamang ng tatlong oras, na siyang ginagamit ng China ngayon sa paglaban sa epidemya, at napatunayang epektibo.  May 50 bansa na rin ang nakikinabang sa nasabing fast test kit gaya ng Japan, Thailan, Brunei, Egypt, Peru at UAE.

 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending