Empleyado ng Kamara nagpositibo sa COVID-19
ISANG empleyado ng Kamara de Representantes ang nagpositibo sa coronavirus disease 2019.
Ayon kay House Secretary-General Jose Luis Montales ang empleyado ay nakatalaga sa Printing Service ng Kamara.
“I just received word that a staff from Printing Service tested positive for COVID-19. In compliance with the protocols, we will require ALL personnel of the Printing Service to undergo self-quarantine,” ani Montales.
Bago nahawa ng COVID-19 ay labas-pasok na umano ang empleyado sa ospital dahil sa iba’t ibang karamdaman.
Samantala, nagnegatibo ang kapatid ng isang hinihinalang namatay sa COVID-19 na siyang dahilan kung bakit pinag-self quarantine ang ilang empleyado ng Kamara.
Ang naturang kapatid ay nasa kabilang kuwarto ng burulan kung saan pumunta ang mga empleyado ng Kamara.
“We received confirmation from the Research Institute for Tropical Medicine (RITM) that the alleged carrier’s sibling, who was in another room during a wake attended by House of Representatives employees a few days ago, tested NEGATIVE for COVID-19.”
Walang naging direktang kontak ang kapatid sa mga empleyado ng Kamara subalit bilang bahagi ng pag-iingat ay hindi muna pinapasok ang mga ito.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.