Carla: OK lang sa amin ni Tom ang prenup, praktikal lang
WINNER na winner pa rin sa mga manonood ang GMA primetime series na Love of my Life dahil patuloy ang pag-arangkada nito sa ratings game.
Talagang tutok na tutok ang bawat tahanan sa kakaibang kuwento ng pamilya ng mga bidang sina Adelle (Carla Abellana), Kelly (Rhian Ramos), at Isabella (Coney Reyes).
Sa isang Instagram post, nangako si Carla na hindi bibiguin ng cast ang viewers sa mga susunod na episodes, “The cast of #LoveOfMyLife would like to invite and encourage everyone to please
WATCH every night this week because so many critical and beautiful scenes will be airing in the next few days. WE PROMISE NOT TO DISAPPOINT.”
Mas iinit pa kaya ang mga confrontation scenes nina Kelly, Adelle at Isabella? Abangan ‘yan at ang marami pang pasabog na magaganap sa Love of my Life pagkatapos ng Anak ni Waray vs Anak ni Biday sa GMA Telebabad.
Samantala, sa isang panayam sinabi ni Carla na okay lang sa kanya na magkaroon sila ng prenuptial agreement ni Tom Rodriguez “for practical reasons.”
“The idea of it, of course, well, concept of it, you need it for practicality reasons, just to be sure. But then, dapat hindi, because you should believe in your marriage, in your unity na hindi kayo aabot sa point na maghihiwalay kayo, and you have to separate all your assets.
“Ako, personally, and Tom knows naman din po, kailangan ng prenup, kailangan…not because you don’t want to believe in your marriage, and that you want to doubt your marriage, that it will end up in separation one day.
“But because, siguro po, personally, coming from a broken family, I know what it’s like to be there, to be a single mom. Kumbaga, it’s just one way for a woman as well to protect herself, just in case things don’t work well in the marriage.”
Wala rin daw problema kay Tom ang prenup. “Practical din po si Tom.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.