Oconer, bagong hari ng Ronda Pilipinas | Bandera

Oconer, bagong hari ng Ronda Pilipinas

- March 04, 2020 - 07:18 PM

IWINAGAYWAY ni George Oconer ng Standard Insurance-Navy ang hawak na checkered flag matapos dumating sa finish line ng Stage 10 Criterium race ng LBC Ronda Pilipinas 10th anniversary race Miyerkules sa Vigan, Ilocos Sur.

KINORONAHAN ni George Oconer ang sarili bilang bagong hari ng LBC Ronda Pilipinas habang ang kanyang koponan na Standard Insurance-Navy ay muling tinanghal na team champion sa 10th anniversary race ng event na nagtapos Miyerkules sa harap ng provincial capitol sa Vigan, Ilocos Sur.

Nakontento ang 28-anyos na si Oconer na manatili sa likod ng peloton na unang dumating sa finish line ng Stage 10 criterium na pinagharian ng kakamping si Jan Paul Morales para mauwi ang kanyang unang titulo.

Matapos ang 10-stage at 11 araw na event na tumahak sa kabuuang 14 lalawigan at nagsimula sa Sorsogon, tinanghal na kampeon si Oconer matapos makalikom ng kabuuang oras na 32:42:12 kung saan 68 mula sa 88 orihinal na cyclist na lumahok ang natira.

Maliban sa pag-uwi ng premyong nagkakahalaga ng P1 milyon at eleganteng tropeo, si Oconer ay tinanghal din bilang best Filipino cyclist sa kasalukuyan.

Ang pagwawagi ni Oconer ay nagtampok din sa dominasyon ng Standard Insurance-Navy sa Ronda kung saan ang lima pa nitong siklista na kinabibilangan nina Ronald Oranza, Ronald Lomotos, John Mark Camingao, Junrey Navarra at El Joshua Carino ay nakapasok sa top 10 sa likod ng anak ni two-time Olympian Norberto Oconer para mauwi ng koponan ang team crown.

Nakapasok din sa top 10 ng individual race sina Go for Gold riders Jonel Carcueva, Daniel Ven Carino at Ismael Grospe, Jr. at Marvin Tapic ng Bicycology-Army.

Maliban sa team title, nagwagi rin ang Standard Insurance-Navy sa limang stage kung saan ang tatlo rito ay hatid ni two-time Ronda king Morales, na nauwi rin ang CCN Sprint award na hatid ng LBC at suportado ng Manny V. Pangilinan Sports Foundation.

Tinanghal naman si Navarra bilang Versa King of the Mountain sa event na suportado rin ng Palayan, Nueva Ecija, Versa, 8A Performance, Print2Go, Petron, Green Planet, Bike Xtreme, Standard Insurance, Spyder, CCN, Lightwater, Prolite, Guerciotti, Black Mamba, Boy Kanin, Vitamin Boost, NLEX-SCTEX, Maynilad, 3Q Sports Event Management Inc., LBC Foundation at PhilCycling.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending