Alaala ni FPJ buhay na buhay pa rin sa Tondo; Susan, Grace itinuloy ang tradisyon ni Da King | Bandera

Alaala ni FPJ buhay na buhay pa rin sa Tondo; Susan, Grace itinuloy ang tradisyon ni Da King

Ervin Santiago - December 16, 2020 - 04:39 PM

BUBUHAYING muli ng ABS-CBN ang mga pelikula ng King of Philippine Movies na si Fernando Poe, Jr., bilang pagbibigay-pugay sa kanyang death anniversary ngayong Disyembre.

“Sa panahong ito, kailagan natin ng inspirasyon. Makakakuha ng inspirasyon ang mga manonood sa mga pelikula ni FPJ dahil nagpapakita ito ng tagumpay sa harap ng hamon sa buhay kapag tayo ay nagpupursige,”,” sabi ni Macie Imperial, ABS-CBN head of Integrated Acquisition and International Sales & Distribution.

Mapapanood sa A2Z Channel ang mga maaaksyon at comedy movies ni FPJ, kabilang na ang “Isusumbong Kita sa Tatay Ko,” (Dec. 20) at “May Isang Tsuper” (Dec. 27).

Sa Cinemo naman, halong aksyon at kwento ng totoong buhay ang mapapanood, tulad ng “Epimaco V “Kalibre .45” (Dec. 16) “Nagbabagang Asero,” (Dec. 17) at “Sigaw ng Katarungan” (Dec. 18), samantalang hatid naman ng CinemaOne ang “King” (Dec. 13) Sambahin ang Ngalan Mo (Dec. 20) at “Ayos na…Ang Kasunod” (Dec. 27)

Matutunghayan naman sa iWantTFC mula Dis. 14 hanggang 20 ang remastered versions ng mga piling pelikula gaya ng “Agila ng Manilla,” “Ang Alamat ng Lawin,” “Ang Padrino,” “Dito sa Pitong Gatang,” “Isang Bala Ka Lang Part 2,” “Pakners,” “Umpisahan mo at Tatapusin ko,” and “Ayos na…ang Kasunod.”

Nagbigay-pugay rin ang Cinemo at Trabahanap sa real-life heroes sa TrabaHero (FPJ Special), kung saan tampok ang mga kwento ng kabayanihan ng mga Pilipino, gaya sa iba’t ibang karakter na ginampanan ni FPJ, sa Trabahanap Facebok page.

                             * * *

Samantala, nakatanggap naman ng Pamaskong regalo ang mga mahihirap na pamilya sa Tondo mula kay Sen. Grace Poe, bilang paggunita nila ng inang si Susan Roces sa ika-16 death anniversary ni FPJ last Dec. 14.

“Pagpapanatili ito ng tradisyon ni FPJ na kalingain ang mga mas nangangailangan sa ganitong panahon,” pahayag ng senadora.

Sa pangunguna ng kanyang anak at chief of staff na si Brian Poe Llamanzares, namahagi ang team ni Poe ng regalo sa mga pamilya sa Isla Puting Bato sa Tondo, Manila.

Ginamit na pamagat at lokasyon ng isang pelikula ni FPJ ang nasabing lugar. Sa “Tondo: Isla Puting Bato,” ginampanan ni FPJ ang papel bilang Hernan “Nanding” Perez na dumanas at nakipaglaban sa kriminalidad at kawalan ng katarungan.

Nagpasalamat ang mga residenteng tumanggap ng Pamaskong handog sa senador at sa pamilya ni Da King, na patuloy pa ring tinatangkilik ang mga pelikula at remake tulad ng “Ang Probinsyano.”

“Ang pang-unawa, kagandahang-loob at malasakit ni FPJ sa mga kapos at bulnerable ang aking inspirasyon,” sabi pa ng anak ni FPJ.

Bilang lolo, protective at mapagkalinga ang Hari ng Pelikulang Pilipino, di malilimutan ng kanyang apong si Brian na ngayon ay 28 anyos na, “Ipinadama niya sa amin na nandiyan lang siya, kahit na abala siya o gumagawa ng pelikula sa malayo. Namangha kami sa kanyang kasipagan at dedikasyon, at pinatatag kami ng kanyang mga pananaw.”

Nauna na ring namahagi sina Sen. Grace ng relief packs sa mga nasalanta ng kalamidad sa pinakaapektadong mga lugar sa bansa sa gitna ng pandemya.

Isinagawa ang relief efforts sa pamamagitan ng Panday Bayanihan, isang nongovernment organization na ang inspirasyon ay ang legasiya ni FPJ at pinamumunuan ni Brian.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending