Naloka ang ilang netizens nang malaman nila kung magkano ang suot na relo ni Heart Evangelista sa dalawang mahalagang okasyon.
Bumandera sa social media ang super expensive watch ng Kapuso actress mula sa Van Cleef & Arpels, isang French luxury accessory and perfume brand.
Sa Instagram account na may handle name na @heartevangelistacloset, nakalagay na ang diamond-studded Lady Arpels Pont des Amoureux Jour watch ni Heart ay nagkakahalaga ng tumataginting na P6 million.
Pwede ka nang bumili ng isang condo unit sa isang prime location sa Metro Manila sa nasabing halaga.
Dalawang beses daw itong isinuot ng asawa ni Chiz Escudero – una noong Jan. 12 at nitong nakaraang Feb. 12, base na rin sa isang fan page account.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.