Angkan ni Matteo na-hurt sa pangmamaliit ng pamilya ni Sarah | Bandera

Angkan ni Matteo na-hurt sa pangmamaliit ng pamilya ni Sarah

Cristy Fermin - February 29, 2020 - 12:38 AM

Tuloy ang ikot ng mundo para sa mga bagong kasal. Tuloy ang kanilang career. Nag-taping agad si Sarah Geronimo para sa The Voice Teens, Mrs. Guidicelli na ang pagpapakilala sa kanya sa programa, si Matteo naman ay agad na ring nagtrabaho para sa bagong produktong ineendorso niya.

Kuwento ng aming kaibigan na nakatrabaho ni Matteo, “Napakamarespeto ni Matteo, hindi niya kami pinahirapan, nakikinig siya sa instructions, wala siyang kaere-ere.”

Palagi namang marespeto at mapagkumbaba ang male personality kahit pa mula siya sa angkan ng mga may sinasabi sa Cebu. Kilalang-kilala ang kanilang pamilya sa South, alam ng mga tagaroon kung gaano kayaman ang kanilang angkan, kaya masama ang loob ng mga kamag-anak ng aktor sa sobrang pangmamaliit sa kanya ng pamilya ni Sarah.

Sabi ng isang kaibigan namin na nagkataong kaibigan din ng mga tiyahin ni Matteo, “Kilala po namin si Matteo dahil apo siya ni dating Chief Justice Marcelo Fernan.

“Kaibigan din namin ang mga tita niya, mababait silang lahat, very low key sila, kahit pa kilalang-kilalang buena familia sila.

“Maliit pa si Matteo, e, nakikita na namin siya, magalang ang bata, walang kayabang-yabang, maganda ang breeding niya,” papuri sa aktor ng kaibigan naming abogado.

Kahit sa mga interbyu ni Matteo Guidicelli ay lutang ang pagiging marespeto niya. Kapag hindi siya puwedeng magbigay ng anumang pahayag ay idinadaan lang niya ‘yun sa pagngiti kasunod ang marespetong pasasalamat sa mga nagtatanong sa kanya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending