Jasmine, Rocco may inamin tungkol sa Team DieRa
RELATE much ang maraming Kapuso viewers sa tambalan nina Jasmine Curtis at Rocco Nacino sa primetime series na Descendants of the Sun.
Gabi-gabing tinututukan ng manonood ang mga ganap sa love story nina Cpt. Moira (Jasmine) at TSg. Diego (Rocco) sa Pinoy version ng hit Korean series na DOTS dahil nga sa nakakakilig at nakaka-good vibes na mga eksena nila.
Kahit ang dalawang co-stars nina Dingdong Dantes at Jennylyn Mercado sa serye ay nagulat sa napakainit na pagtanggap ng publiko sa kanilang tambalan. Kaya naman mas lalo pa raw silang ginaganahang magtrabaho ngayon.
Inamin naman ni Jasmine na nadadala niya hanggang sa pagtulog ang pagganap bilang sundalo sa DOTS. Parang naging bahagi na ng sistema niya ang karakter ni Moira.
“One time nagising ako saying, ‘Yes sir! Yes sir!’ So parang nadadala ko na minsan ‘yung dialogue at home kapag puyat at kapag antok na antok na,” natatawang chika ni Jasmine.
Ganu’n din daw si Rocco, mula raw noong simulan nila ang DOTS kasama na sa pang-araw-araw na buhay niya ang pagiging disiplinado at sensitibo sa mga nagaganap sa paligid.
At dahil isa na rin siyang Petty Officer 3rd Class ng Philippine Navy, napakarami ring nagbago sa mga pananaw niya sa buhay, “Ang daming realizations and discoveries. Tsaka hindi ko napapansin, kapag kumakain ako, straight na straight pa rin ang position. Ha-hahaha! And kapag may kausap ako, ‘Copy that!’ Ganu’n na ang reply ko.”
Ayon sa tambalang RocMine o DieRa, nagsisimula pa lang ang kuwento nina Moira at Diego sa DOTS. Patikim pa lang ang mga hugot scenes nila nitong mga nagdaang episodes.
“Yes, maraming-marami pang mangyayari sa love story nila. At very soon malalaman na nila kung bakit ganu’n ka-stiff si Diego. May mga aaminin siya na siguradong ikagugulat ng viewers,” ani Rocco. “Tsaka abangan nila ang mas marami pang maaaksyong encounters ng Team Alpha.”
Patuloy na panoorin ang Descendants of the Sun sa GMA Telebabad after Anak ni Waray Vs Anak ni Biday.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.