Bong sa ABS-CBN: Ako rin nabiktima, pero walang personalan | Bandera

Bong sa ABS-CBN: Ako rin nabiktima, pero walang personalan

Cristy Fermin - February 28, 2020 - 12:25 AM

BONG REVILLA

Napakaganda ng puso ni Senador Bong Revilla. Hindi lang sa pagtulong sa mga nangangailangan masusukat ang kabutihan ng kanyang puso, kahanga-hanga ang mapagpatawad niyang kalooban, kaya naman mabuti rin sa kanya ang kapalaran.

Nu’ng isang araw ay nagsumite siya ng batas para palawigin pa ang panahon sa pagsahimpapawid ng ABS-CBN. Matindi ang malasakit niya sa labing-isang libong manggagawa ng istasyon na mawawalan ng trabaho kapag nagsarado ang network.

Binabaybay namin ang matrapik na EDSA nang mapakinggan namin ang kanyang panayam sa isang radio station, ang kanyang sabi, “Naiintindihan ko ang saloobin ni Pangulong Duterte, nasaktan talaga siya, mabuti naman at nakapanghingi na ng sorry sa kanya ang istasyon.

“Ako rin, naging biktima rin ako ng hindi parehas na pagtrato nu’ng nakaraang halalan. Nasaktan din ako, pero isinantabi ko ‘yun, napakasakit ng mga tinanggap kong paghusga nu’ng panahon ng kampanya!

“Naranasan ko rin ang hindi makapagpaliwanag sa publiko, pero sabi ko nga, e, isinantabi ko na ‘yun para sa kapakanan ng mas nakararami,” madiing pahayag ng aktor-pulitiko.
Mas kilalang personalidad ng GMA 7 si Senador Bong, pero ang kanyang malasakit sa mga nagtatrabaho sa ABS-CBN ay lutang na lutang, hindi niya gustong makakita ng mga pamilyang nagugutom.

“Kung gugustuhin naman ng Kongreso, e, mabilis nilang matatapos ang pagdinig sa franchise renewal ng ABS-CBN. Kahit sa loob lang nang ilang linggo, e, kaya nilang tapusin ‘yun!

“Concerned ako sa mga manggagawang mawawalan ng trabaho, napakarami nila, nakakaawa naman ang kanilang mga pamilya kapag nawalan ng hanapbuhay ang kanilang mga breadwinner,” pagtatapos ni Senador Bong Revilla.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending