'Angel tunay ang suporta sa ABS-CBN hindi tulad ng iba...' | Bandera

‘Angel tunay ang suporta sa ABS-CBN hindi tulad ng iba…’

Cristy Fermin - February 17, 2020 - 12:15 AM


HINDI taal na Kapamilya si Angel Locsin. Galing siya sa GMA 7. Matagal siyang nagserbisyo sa Kapuso network. Isang araw ay nagkaroon ng teleserye ng kanyang paglipat sa ABS-CBN.

Ang tinutukoy naming teleserye ay ang diumano’y pag-aaral niya ng fashion sa London. Nawala siya nang ilang panahon at sa kanyang pagbabalik ay nasa kuwadra na siya ng ABS-CBN.

Matinding isyu ‘yun, grabe rin ang argumento sa pagitan ng GMA 7 at ng manager ni Angel, pero wala ring kinauwian ‘yun kundi ang pag-alis na niya sa Kapuso network para maging Kapamilya na.

Binalikan namin ang senaryong ito dahil sa matinding pakikipaglaban ni Angel Locsin sa bantang pagpapasara sa ABS-CBN. Meron siyang posisyon.

Malinaw ang kanyang paninindigan. Alam ni Angel Locsin ang kanyang ipinaglalaban. Malayung-malayo si Angel sa ibang personalidad na tunay na nakinabang nang husto sa ipinasasaradong network pero malagihay ang mga birada.

Kumbaga sa nilagang talong ay bantilawan ang kanilang kulay, hindi mo alam kung luto o hilaw, basta may masabi lang.

Kung si Angel Locsin nga na hindi ipinanganak sa bakuran ng ABS-CBN ay ganu’n na lang kung maglantad ng kanyang saloobin, paano natin maiintindihan ang mga pahayag ng ilang personalidad na hindi na nga marunong magpasalamat ay nambabarog pa, idinidiin pa ang istasyong pinakinabangan nila nang mahabang panahon.

Ano ang madalas sabihing aral ng ating hilalaki? Kung wala kang masasabing maganda tungkol sa kaninumang nakatulong sa iyo ay manahimik ka na lang!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending