Horoscope, February 11, 2020 | Bandera

Horoscope, February 11, 2020

Madam Sophia |February 11,2020
facebook
share this

Horoscope, February 11, 2020

Madam Sophia - February 11, 2020 - 12:15 AM

Para sa may kaarawan ngayon: Ngayon ang araw kung saan, ang lahat ng mga suliranin noong nagdaang araw ay unti-unti ng lilisan. Sa lovelife mainit na romansa ang malalasap. Sa pinansyal, dagdag na kita ang makakamit. Markahan ang 2, 11, 25, 33, 32 at 43. Pink at green ang buenas.
Aries – (Marso 21-April 19)- Lumayo sa mga taong malas, mahahawahan ka lang nila. Lumapit sa mga taong sinusuwerte at umuunlad, mapupunta sa iyo ang suwerte nila at magandang kapalaran. Sa lovelife, wag kukuha ng kasuyo na may history ng broken relationship, ganon din ang mangyayari sa inyong relasyon. Markahan ang 8, 17, 26, 34, 38 at 45. Silver at maroon ang buenas.
Taurus – (April 20-May 20)- Ngayon ang araw na walang kaabog-abog bigla mapapasayo ang magandang kapalaran. Lagi kang magpasalamat sa nasa itaas, upang lalo pang dumami ang iyong suwerte at magagandang kapalaran. Markahan ang 3, 6, 24, 34, 40 at 48. Lilac at red ang buenas.
Gemini – (May 21-June 21)- Wag masyadong magtiwala sa mga kaibigan, may babala na maloloko ka na naman! Oo maaaring mautangan ka na naman at hindi mo na sila masisingil kailaman. Sa lovelife, habang patuloy na lumalamig ang panahon, lalo namang tatamis at sasarap ang pagmamahalan. Markahan ang 6, 9, 18, 22, 33, at 45. Violet at blue ang buenas.
Cancer – (June 22- July 22)-Pagmalasakitan ang mga kamag-anak, dahil sa bandang huli sila rin ang tutulong sa iyo. Kung magiging makasarili, hindi ka masyadong uunlad. Sa lovelife, ibahagi sa lahat ang iyong pagkalinga at pagmamahal, upang yumaman at lumigaya. Markahan ang 5, 14, 23, 32, 41, at 49. Green at peach ang buenas.
Leo – (July 23 – August 22)-Kahit anupa ang gawin at ipatupad mo patuloy pa ring gaganda ang iyong kapalaran, dahil noong ikaw ay isinilang, inilista na ng langit ang iyong panagalan sa mga susuwertehin sa buhay. Sa lovelife, wag ng paghanapan pa ng kung ano-anu sa iyong kasuyo. Higit na mahalaga, na, nadyan siya at ang kanyang presensya. Markahan ang 2, 7, 16, 25, 43 at 49. Yellow at red ang buenas.
Virgo – (August 23 – September 22)- Wag magtanga-tangahan, matalino ka naman, bakit hindi mo paunlarin ang inyong buhay? Mula ngayon, puro pera ang isa isip, makikita mo paglipas ng mga ilang taon pa, mayamang-mayaman na ka na. Markahan ang 8, 17, 24, 33, 39 at 40. Blue at purple ang buenas.
Libra – (September 23-October 23)- Umiwas sa mga taong maraming kuwento. May babala na muli ka na namang ma-racket ng malaking halaga. Sa lovelife, sundin ang mungkahi ng kasuyo upang maingatan ang natitirang savings. Markahan ang 7, 16, 25, 29, 34, at 40. Beige at red ang buenas.
Scorpio – (October 24 – November 21)- Ituloy mo ang ugaling pagiging agresibo, dahil diyan ka uunlad hanggang sa yumaman. Pero minsan wag mo namang laging pagalitan ang iyong kasuyo, dahil nakakahalata na siya na ina-under mo. Markahan ang 8, 17, 26, 35, 43, at 45. Lilac at orange ang buenas.
Sagittarius – (November 22 – December 21)- Uunlad ka kung maitutuwid at maitama mo muna ang iyong pagiging magastos. Sa lovelife, matapos mong mapagtanto na may mga pagkukulang ka sa iyong kasuyo, humingi ka ng “sorry” upang muling uminit ang inyong relasyon. Markahan ang 4, 13, 21, 28, 37, at 48. Red at green ang buenas.
Capricorn – (December 22 – January 19)- Parating na ang magagandang kapalaran, kaya hindi ka dapat na malungkot. Sa pinansyal batiiin ng buong galak ang bawat araw, upang tuloy-tuloy pang dumating angmas maraming materyal na mga bagay sa iyong kabang-yaman. Sa lovelife, tuloy ang mainit na pakikipag-relasyon sa isang Cancer. Markahan ang 5, 13, 23, 32, 35 at 40. Gray at blue ang buenas.
Aquarius – (January 20 – February 18)- May kanya-kanyang suwerte ang buhay! Sa kalagitnaan ng buwan ng Abril hanggang sa katapusan ng Mayo, darating na ang suwerte laan sa iyo sa pag-ibig at sa salapi. Kapag naging masagana ang buhay, magtipid upang hindi mawaldas ang pinaghirapan. Markahan ang 2, 11, 20, 29, 33, at 45. Gold at green ang buenas.
Pisces – (February 19 – March 20)-Wag mangako kung hindi naman kayang tuparin! Lumalabas kasing nagmamayabang ka lang. Sa lovelife at pinansyal, kung lumalaki at lumalago ang kinikita, matutong mag-ipon upang lalo ka pang yumaman ng husto. Markahan ang 4, 13, 22, 31, 40 at 48. Yellow at purple ang buenas.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending