Dessa na-shock nang malaman ang kundisyon ng lalamunan | Bandera

Dessa na-shock nang malaman ang kundisyon ng lalamunan

Ervin Santiago |February 09,2020
facebook
share this

Dessa na-shock nang malaman ang kundisyon ng lalamunan

Ervin Santiago - February 09, 2020 - 01:04 AM

Takang-taka ang biriterang si Dessa na isa rin sa mga halimaw pagdating sa pagpe-perform nang sabihin sa kanya ng doktor na maayos na maayos ang kundisyon ng kanyang lalamunan.

Inaasahan na kasi niya na posibleng may problema na siya sa vocal chords dahil nga sa halos araw-araw niyang pagbirit. “Nagpapatingin talaga ako every now and then lalo na kapag feeling ko nako-compromise ang boses ko. Pero sa last checkup ko, sabi ng doktor clear na clear siya.”

Nag-guest ang tinaguriang Powerhouse Diva sa “Showbiz Live” (napapakinggan at napapanood sa Radyo Inquirer 990, TV Plus, Beam channel) last Wednesday at dito nga niya naikuwento na kahit siya ay nagulat na walang problema sa kanyang lalamunan. “Kasi di ba, sabi nila kapag tumatanda ka nag-iiba ang boses mo, nahihirapan ka nang abutin ang high notes.

“Pwede ka ring magka-nodules and other vocal problems pero ‘yun nga, walang tama ’yung sa akin. I’m so thankful for that. At ang mas weird pa, may mga kanta na hindi ko kaya dati na naaabot ko na ngayon,” aniya pa. At pinatunayan nga ‘yan ni Dessa nang magpasampol siya ng makabasag-lalamunang mga kanta sa “Showbiz Live”.

Kaya kung gusto n’yong mapanood nang live si Dessa, watch na kayo ng kanyang dinner-concert na “Powerhouse Valentine” kasama ang original Kilabot ng mga Kolehiyala na si Hajji Alejandro with the Philippine Madrigal Singers. Magaganap ito sa Feb. 14 sa Monet Ballroom ng Novotel Manila sa Araneta City, Cubao. 

Ang “Powerhouse Valentine” ay sa direksyon ni Calvin Neria kasama si Elmer Blancaflor bilang musical director. This concert is for the benefit of Philippine Cancer Society. For tickets, call 8891-9999 or 8911-5555.            

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending