Horoscope, Feb. 6, 2020 | Bandera

Horoscope, Feb. 6, 2020

Madam Sophia |February 06,2020
facebook
share this

Horoscope, Feb. 6, 2020

Madam Sophia - February 06, 2020 - 12:15 AM

Para sa may kaarawan ngayon: Habang nakasuot ng kulay na pula malaking halaga ang maibubulsa. Sa lovelife, habang nalalapit ang araw ng mga puso, laging mag suot ng kulay na pula upang makaranas ng masaya at swak sa sarap na romansa. Markahan ang 3, 12, 24, 30, 33, at 42. Bukod sa red buenas ang violet.
Aries – (Marso 21-April 19)- Kahit na may malaking gastusin, malaking halaga naman ng salapi ang biglang darating. Sa lovelife, ngayon pa lang pag handaan na ang Valentine’s day. Markahan ang 3, 8, 18, 27, 37, at 45. Red at pink ang buenas.
Taurus – (April 20-May 20)- Panahon mo ngayon, kaya upang umunlad simulan na ang negosyong may kaugnayan sa pagkain. Sa lovelife ngayon pa lang iplano na ang gagawing pakikipag-date sa kasuyong matampuhin. Markahan ang 6, 9, 27, 33, 42 at 48. Purple at lilac ang buenas.
Gemini – (May 21-June 21)- Mag-concentrate sa iisang gawain lamang, sa ganyang paraan mas madali kang yayaman. Sa lovelife, ibuhos ang lahat ng atensyon sa minamahal. Markahan ang 5, 14, 23, 32, 38 at 49. Silver at blue ang buenas.
Cancer – (June 22- July 22)- May babala ng karamdaman! Nangangailangan ng pahinga upang muling mapasigla ang pangangalakal. Sa lovelife, mag-request sa kasuyo ng pagkaing puro gulay at prutas upang ang immune system ay lumakas. Markahan ang 9, 12, 15, 24, 33, at 48. Green at white ang buenas.
Leo – (July 23 – August 22- Pakikipagsosyalan ang susi upang umunlad. Sa isang pagtitipon, malaking halaga ng salapi ang kikitain. Sa lovelife, sa isang social gathering masarap na romansa ang kasunod. Markahan ang 1, 17, 28, 33, 44 at 47. Purple at lilac ang buenas.
Virgo – (August 23 – September 22)- Kahit na maraming trabaho kailangang regular na mag-exercise. Aanin ang bulto-bultong salapi kung magkakasakit ka naman? Sa lovelife, makipag-date sa kasuo, dahil ang sarap na madarama sa ngayon ay hindi mapapalitan ng kahit na anumang halaga ng salapi. Markahan ang 3, 12, 27, 33, 39 at 42. White at blue ang buenas.
Libra – (September 23-October 23)- Hindi ka dapat pang hinaaan ng loob, ituloy mo lang ang ginagawa mo sa ngayon at darating ang saktong panahong yayaman ka. Sa lovelife, ito ang magdamag na dapat busugin ang kasuyo sa romansa. Markahan ang 1, 10, 19, 34, 41, at 44. Beige at yellow ang buenas.
Scorpio – (October 24 – November 21)- Sa araw na ito kakasyahan ka ng langit, makikita mo, tuloy-tuloy ng aangat ang inyong kabuhayan hanggang sa tuluyan ka na ring yumaman. Sa lovelife, konting bulyaw pa sa minamahal, susunod din siya sa iyo ng walang angal. Markahan ang 6, 16, 25, 34, 41 at 44. Green at red ang buenas.
Sagittarius – (November 22 – December 21)- Sa lovelife, kahit pangit ang kasuyo, magpasalamat ka dahil kahit masungit ka pinagtiyagaan ka nyang mahalin. Sa pinansyal panatiliin ang pagiging kuripot upang lalo ka pang umunlad. Markahan ang 4, 17, 26, 34, 36 at 49. Red at black ang buenas.
Capricorn – (December 22 – January 19)- Mahirap magbago ng career! Ang mas mahalaga, makaipon ng maraming-maraming pera. Sa lovelife, tuloy pa rin ang relasyon matagal mo nang balak na takasan. Markahan ang 5, 18, 27, 32, 41 at 47. Black at apple green ang buenas.
Aquarius – (January 20 – February 18)- Sa lovelife, upang tuluyan ka ng lumigaya, maghanap ng isang Libra na walang gaanong itshura sa kanya ka habang buhay na liligaya. Sa pinansyal, tulad ng dati, magkakapera at pagkatapos ay mauubos din. Markahan ang 6, 9, 27, 33, 42 at 48. Red at lilac ang buenas.
Pisces – (February 19 – March 20)- Maglinis ng mga abubot upang umaliwalas ang tahanan. Kapag malinis na ang lahat sa iyong silid may isang di inaasahang romansahang mararanasan. Sa pinansyal, isang negosyo lang ang dapat upang mas mabilis na umunlad. Kalakal na itinatanim. Markahan ang 7, 16, 34, 42, 27 at 48. Green at orange ang buenas.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending