Horoscope, Februrary 5, 2020 | Bandera

Horoscope, Februrary 5, 2020

Madam Sophia |February 05,2020
facebook
share this

Horoscope, Februrary 5, 2020

Madam Sophia - February 05, 2020 - 12:15 AM

Para sa may kaarawan ngayon: Susuwertehin ka sa araw na ito kung magsusuot ng alahas na silver. Sa pinansiyal, sa alahas na silver madagdagan ang kinikita. Sa lovelife, ang silver na singsing kung laging susuutin ang magpapainit ng nanlalamig na relasyon. Markahan ang 5, 18, 23, 32, 39 at 45. Bukod sa silver buenas din ang red.
Aries – (Marso 21-April 19)- May malaking halaga ng salapi ang darating. Wag ipagmayabang ang hawak na pera, upang hindi ka mautangan. Sa pag-ibig, manatiling tapat sa kasuyong Sagittarius. Markahan ang 5, 9, 23, 35, 45, at 48. Blue at red ang buenas.
Taurus – (April 20-May 20)- Ang ginagawang pagsisikap sa ngayon ay may malaking gantimpala sa araw ng bukas. Sa pag-ibig, habang lumalamig ang panahon patuloy sa pagsarap ang pagiibigan at romansahan. Markahan ang 7, 14, 22, 31, 40 at 49. Brown at gray ang buenas.
Gemini – (May 21-June 21)- BIgla kang makakatanggap ng malaking suwerte sa taong ito ng 2020. Ang mahalaga lamang manatili kang masaya at laging positibo ang isiniip.. Sa lovelife, ang tinatamasang ligaya ay magtutuloy-tuloy na habang buhay. Markahan ang 1, 13, 26, 35, 40 at 48. White at green ang buenas.
Cancer – (June 22- July 22)-Kung muli mong babalikan ang nakaraan manghihinayang ka lang. Ituon mo ang iyong isipan sa future sa partikular sa pagkakaperahan, dahil sa taong ito ng 2020 kung tututok sa materyal na bagay, malaking halaga ng salapi ang iyong mahahawakan. Markahan ang 2, 8, 19, 25, 43 at 49. Green at yellow ang buenas.
Leo – (July 23 – August 22)- Nakatakda ka ng suwertehin ngayong taong ito ng 2020. Kaya kung anuman ang mga plano na hindi mo nagawa at naipatupad noong nakaraang taon, gawin mo na ngayon at tiyak na magtatagumpay ka. Markahan ang 6, 17, 27, 36, 39, at 45. Red at lilac ang bueans
Virgo – (August 23 – September 22)- Hindi dapat tumunganga at tanggapin na lang ang mga nangyayari. Kung hindi palalaguin ang salapi paano ka yayaman? Sa lovelife kung hindi lalambingin ang kasuyo hindi iinit ang relasyon at mapupurnada na naman ang romansahang iyong binabalak. Markahan ang 1, 13, 26, 35, 40 at 48. White at green ang buenas.
Libra – (September 23-October 23)- Ituloy ang binabalak na paglalakbay. Sa malayong lugar mas madaling aangat ang kabuhayan. Sa lovelife, higit na masarap ang romansa sa kasuyong Virgo kung pansamantalang hindi mo na kayo magkikita, upang lalo nyong ma miss ang isat-isa. Markahan ang 2, 10, 29, 34, 39, at 47. Lilac at blue ang buenas.
Scorpio – (October 24 – November 21)- Wag bilangin ang itlog hanggang hindi pa napipisa. Kumilos lang ng kumilos, imbis na mag-kuwenta agad ng kinikita at kikitain pa. Sa lovelife, hindi dapat hanapan ang kasuyo, dahil ikaw din naman ay maraming pagkukulang sa kanya. Markahan ang 8, 17, 26, 35, 40 at 49. Purple at yellow ang buenas.
Sagittarius – (November 22 – December 21)-Huwag mong intindihin ang mga naninira sa iyo, ang mas mahalaga, ituloy mo lang ang iyong ginagawa dahil ang tagumpay at ligaya ay ipagkakaloob sa iyo ng langit ngayon ding taong ito ng 2020. Markahan ang 3, 18, 22, 32, 35 at 49. Gold at orange ang buenas.
Capricorn – (December 22 – January 19)-Huwag makipag-landian sa iba, may babala ng pagtataksil. Manatiling tapat sa kasuyong Cancer. Sa panansiyal, tuloy-tuloy ang agos ng maraming pera. Panahon na upang mag-tipid at mag-ipon para sa future ng pamilya. Markahan ang 6, 18, 27, 36, 40 at 46. Pink at purple ang buenas.
Aquarius – (January 20 – February 18)- Unti-unti mo ng matatakasan ang mabibigat na mga problema. Magpakalango sa tagumpay, i-blow-out ang sarili. Sa lovelife, wag mo ng intindihin yong mga taong hindi naman sa iyo nagmamahal. Muling hanapin at balikan ang isang Libra na iyong pinakawalan. Markahan ang 4, 15, 22, 35, 41 at 49. Red at orange ang buenas.
Pisces – (February 19 – March 20)- Maiibsan ang problema dahil sa isang kasama na tatangap ng malaking halaga at pagkatapos ay maaabutan ka rin niya. Sa lovelife, sabihin sa kasuyong; “Magtipid-tipid ka naman upang umunlad ang ating buhay!” Markahan ang 1, 19, 28, 33, 37 at 45. Orange at black ang buenas.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending