Horoscope, February 3, 2020 | Bandera

Horoscope, February 3, 2020

Madam Sophia |February 03,2020
facebook
share this

Horoscope, February 3, 2020

Madam Sophia - February 03, 2020 - 12:15 AM

Para sa may kaarawan ngayon: Simulan ang araw sa panalangin at pagwi-wish. Okey ding magsuot ng kulay na red. Kapag nagawa mo yan, kusang matutupad ang iyong hiniling bago sumapit ang ika-3 araw. Markahan ang 4, 9, 25, 37, 38, at 45. Bukod sa red ang green ay buenas.
Aries – (Marso 21-April 19)-Sa taong ito ng 2020 bukod sa aangat ang level ng pagkakakitaan, may darating ding salapi na mailalaan naman sa pagiimpon. Sa lovelife, ang tampuhan sa ngayon ay mapapalitan ng mas maalab na romansa sa kinabukasan. Markahan ang 1, 10, 19, 22, 37, at 46. Beige at magenta ang buenas.
Taurus – (April 20-May 20)- Hindi ba’t marami ka ng natulungan na hindi naman tumanaw ng utang na loob? Sa panahon ngayon personal mo namang kaligayahan ang ikonsidera at ang future ng mga mahal mo sa buhay. Markahan ang 4, 6, 22, 31, 39 at 45. Pink at blue ang buenas.
Gemini – (May 21-June 21)- Laging tandaang kapag nawala ang mga kaibigan, may isang maiiwan – ang mahal mo sa buhay. Habang minamahal, ang mga kapamilya, lalo ka namang susuwertehin at magtatamo ng mas marami pang magagandang kapalaran. Markahan ang 7, 16, 25, 34, 43, at 48. Green at pink ang buenas.
Cancer – (June 22- July 22)- Ito ang araw na dapat mo ng kalimutan ang mga nakaraang kabiguan upang makapagsimula ka ng bagong-bagong pagkatao ngayon. Sa lovelife, kalimutan ang mga relasyong nagdulot ng pagluha, maghanap ng bagong mamahalin. Markahan ng 4, 15, 26, 34, 40 at 49. Beige at green ang buenas.
Leo – (July 23 – August 22)- Sa taong ito ng 2020 sa lovelife at pinansyal, wag mong kontrahin ang paniniwala ng iyong kasuyo magkaka-galit lang kayo. Sumunod ka sa kanya upang umunlad pang lalo ang inyong kabuhayan at tuloy-tuloy ng lumigaya ang inyong pamilya. Markahan ang 6, 18, 26, 34, 40 at 45. Yellow at red ang buenas.
Virgo – (August 23 – September 22)- Kung talagang mahal mo ang kasuyo magsa-sakripisyo ka alang-alang sa kanya. Paglaanan ng maraming oras ang mga bagay na mapagkakaperahan. Markahan ang 3, 18, 27, 36, 45 at 49. Green at beige ang buenas.
Libra – (September 23-October 23)-Hindi mo ba naiisip na hindi laging masagana ang buhay! Simulan mo ng mag-savings, habang maalwan ang pasok ng salapi. Sa lovelife, habang pinagseselos ang kasuyo, lalo ka naman niyang mamahalin. Markahan ang 3, 12, 21, 30, 37, at 49. Magenta at blue ang buenas.
Scorpio – (October 24 – November 21)- Ituloy mo lang ang iyong ginagawa sa ngayon, sapagkat nagpasya na ang langit na dalhan ka ng dagdag pang magagandang kapalaran. Sa lovelife, habang sumusunod sa iyo ng sumusunod ng iyong kasuyo lalo namang susuwertehin ang inyong buhay. Markahan ang 6, 15, 23, 33, 40 at 48. Silver at purple ang buenas.
Sagittarius – (November 22 – December 21)- Sa taong ito ng 2020 anuman ang iyong gustuhin tiyak na mapapasa iyo. Kaya mas mainam kung malalaki at matataas na bagay ang hahangrin mo, upang matataas at malalaki ring suwerte ang mapasa iyo. Markahan ang 1, 5, 18, 23, 41 at 47. Red at purple ang buenas.
Capricorn – (December 22 – January 19)- Susuwertehin ka sa pananalapi. Ngayon pa lang ilista na kung saan mo dadalin ang maraming pera na nakatakda nang dumating. Sa lovelife wag kakalimutang balatuhan ang kaibigang Taurus. Markahan ang 6, 15, 24, 39, 42 at 49. Red at Green ang buenas.
Aquarius – (January 20 – February 18)-Wag maging negatibo, dahil sa bandang huli magiging negatibo rin ang kapalaran. Isipin mo ang mga bagay na nagpapaligaya sa iyo, sapagkat sa kasalukuyan darating na ang mas malaking suwerteng sa kasalukuyan ay bumubuelo lang para sapulin ka. Markahan ang 1, 10, 26, 35, 42 at 49. Green at orange ang buenas.
Pisces – (February 19 – March 20)- Ituloy ang binabalak na lakad. Lakad lang ng lakad hanggang makatalisod ng suwerte. Sa lovelife at pinansyal, ang pagiging mapilit at makulit ang susi ng tagumpay at kaligayahan. Markahan ang 9, 18, 30, 33, 39, at 48. White at silver ang buenas.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending