Kinikilig sa lalaking may asawa na | Bandera

Kinikilig sa lalaking may asawa na

Beth Viaje |January 31,2020
facebook
share this

Kinikilig sa lalaking may asawa na

Beth Viaje - January 31, 2020 - 12:15 AM

DEAR Ateng Beth,
Good morning po. Taga-Bicol po ako. Tanong lang po sa kung anong dapat kong gawin sa lalaki na may asawa na pero nagkakagusto po sa akin.
Wala na po akong asawa, patay na.
Sabi po ng lalaking ito sa akin ay mahal daw po niya ako pero hindi naman ako naniniwala. Pero, ano ba ang dapat kong gawin sa kanya?
Salamat po.
Miss BicolDear Miss Bicol,
Loka-loka ka rin, ano? Hindi ka pala naniniwala sa sinasabi ng lalaking tinutukoy mo, e, bakit tinatanong mo pa sa akin ang kung ano ang dapat mong gawin?
Hahaha. Loka!
‘Yung totoo, kinikilig ka, no? At ang feeling mo ang haba-haba ng hair mo. Feeling mo, ikaw nga si Miss Bicol.
Ang ganda ng pakiramdam na gumanda ka nang dalawang kilo, no?
Ay naku ‘teh, kahit dalaga ka na ulet, maganda at may asim pa, kung may asawa naman itong nagkakagusto sa iyo at kahit gusto mo pa, iwasan mo na, dear. Walang magandang buhay ang idudulot ‘yan sa iyo. Isa pa, isang pamilya ang sisirain mo sa sandaling patulan mo ang lalaking iyan.
Kaya, ngayon pa lang, ilang beses kong uulitin sa iyo, umiwas ka na. Umiwas ka na.
Umiwas ka na at masasayang lang ang ganda, bango at integridad mo!
Hindi mo deserve ang lalaking ganyan at lalo namang hindi deserve ng asawa niya na iiwan sila dahil lang sa isang babaeng kinikilig!
Friend, maghintay at merong darating na lalaki na para sa iyo. Lalaki na walang sabit, at wala kang makakaparteng ibang babae.
Gusto mo bang may ka-share, tapos ikaw second choice lang? ‘Wag desperada, ateng!
Yun na!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending