Aiko isinugod sa ospital matapos magsuka; nakakain ng panis na tuna | Bandera

Aiko isinugod sa ospital matapos magsuka; nakakain ng panis na tuna

Reggee Bonoan - January 31, 2020 - 01:00 AM

JAY KHONGHUN AT AIKO MELENDEZ

MULING nabuhay ang tsismis na buntis si Aiko Melendez dahil muli siyang itinakbo sa ospital matapos magsuka nang magsuka.

Nasa Pampanga ang aktres para sa taping ng serye niyang Prima Donnas kasama ang iba pang members ng cast.

Madaling araw ng Huwebes ay nag-post si Aiko sa kanyang social media ng, “I always make it a point to interact with our fans, kasi kahit unting time napasaya ko sila.

“I was in Pampanga this morning taping for Prima Donnas, then during dinner time, I was rushed to the hospital. Our Executive Producer decided to take me to the nearest hospital ,coz I kept on puking, dyahe while on take I had to literally run on the nearest blank spot to vomit.

“Thank you Ms. Marissa Jesuitas-Hilario for taking care of me. You never left my side. And me standby ambulance ang creepy ng feeling na asa loob ka at ikaw ang patient.

“Thank You Lord di ako na food poison. S’yempre panic attack also si VG (Vice Governor) he wanted to rush to Pampanga from Zambales.

“Now my tummy is rumbling LBM naman. Hmm I should take a rest now. Goodnight Peeps! And thank you sa mga taga Pampanga love n’yo si Kendra. Sensya na din sa set namen sa abala po. Thanks baby Jay Khonghun na-stress kita kanina di po ako buntis. Hahahaha.”

Nag-message kami sa aktres at nabanggit niyang may nakain siyang panis na tuna. Mabuti at malakas ang resistensiya niya dahil delikado ang food poison.

Panay naman ang pasalamat ni Aiko dahil mataas ang rating ng Prima Donnas at dahil dito kaya nagdesisyon ang GMA na i-extend ang programa.

 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending