Horoscope, January 30, 2020 | Bandera

Horoscope, January 30, 2020

Madam Sophia |January 30,2020
facebook
share this

Horoscope, January 30, 2020

Madam Sophia - January 30, 2020 - 12:15 AM

Para sa may kaarawan ngayon: Wag gawing kumplikado ang buhay. Sa lovelife, mag hanap ng simpleng taong mamahalin upang lumigaya habang buhay. Sa pinansyal, sundin ang advice ng isang kaibigang Libra. Markahan ang 3, 18, 21, 30, 38, at 43. Red at silver ang buenas.
Aries – (Marso 21-April 19)- Disiplinahin ang sarili. Kung marami kang kahinaan, paano ka uunlad? Sa lovelife, hindi puro sex ang bumubuhay sa relasyon, kailangan din ng tiwala at respeto. Markahan ang 1, 13, 23, 26, 35, at 49. Orange at white ang buenas.
Taurus – (April 20-May 20)- Habang nalalapit ang araw ng mga puso ituloy ang pagiging romantiko upang lalo pang sumarap ang nalalapit na pagde-date. Sa pinansyal, sa isang negosyo may kaugnayan sa Valentine’s day malaking halaga ng salapi ang kikitain. Markahan ang 1, 17, 28, 33, 44 at 47. Purple at lilac ang buenas.
Gemini – (May 21-June 21)-Sa negosyo, ipatupad agad kung ano man ang pumasok sa isipan upang kumita ng malaking halaga. Sa lovelife, ipahinga ang katawan upang mapagbigyan ang kasuyo sa susunod na mga araw. Markahan ang 3, 18, 27, 36, 42 at 49. Mahiwaga mong mantra: Blue at red ang buenas.
Cancer – (June 22- July 22)- Itigil muna ang sobrang bait. Minsan ang sobrang kabaitan ay isa na ring katangahan. Mas malaking halaga ang kikitain kung iitsapuwera na ang mga taong sumasamantala sa iyo. Markahan ang 7, 16, 25, 34, 43, at 45. Green at yellow ang buenas.
Leo – (July 23 – August 22)-Upang sumaya ang pakiramdam ngayon pa lang paglaanan na ang nalalapit na araw ng mga puso. Kapag masaya ang iyong pakiramdam, habang lumalapit ang buwan ng Pebrero maraming suwerte at magagandang kapalaran ang darating. Markahan ang 6, 10, 29, 34, 40 at 47. Apple green at black ang buenas.
Virgo – (August 23 – September 22)- Sa pinansyal, tapusin agad ang mga gawaing nakabinbin, upang kapag may natapos ka, ibang oportunindad naman ng pagkakaperhan ang darating. Sa lovelife, laging purihin ang magagandang katangian ng kasuyo upang ma-appreciate niya ang kanyang halaga. Markahan ang 5, 8, 14, 19, 32, at 44. Gold at beige ang buenas.
Libra – (September 23-October 23)- Sa pagkain, iwasan ang pagiging matakaw upang hindi ka masyadong tumaba. Sa lovelife at salapi, kasaganaan at maligayang relasyon ang hatid ng buwan ng Pebero hanggang Marso. Markahan ang 9, 12, 15, 24, 33, at 48. Lilac at pink ang buenas.
Scorpio – (October 24 – November 21)- Mahirap talagang kitain ang pera, kaya sa darating na araw ng mga puso, simpleng selebrasyon na lang ang dapat kasama ang mga mahal sa buhay. Markahan ang 1, 7, 18, 25, 28, 43. Mahiwaga mong mantra: Green at orange ang buenas.
Sagittarius – (November 22 – December 21)-Hindi magiging maligaya sa lovelife, kung hindi paiiralin ang praktikalidad. Hindi sa pamamagitan ng emosyon ka liligaya, kundi sa pamamagitan ng maraming pera. Umpisahan ng magpayaman. Markahan ang 7, 16, 28, 37, 43 at 41. Yellow at black ang buenas na kulay.
Capricorn – (December 22 – January 19)- Hindi darating ang suwerte kung puro ka pangarap. Kailangan kumilos upang umunlad ang kabuhayan. Sa lovelife, ipagpatuloy ang matiyagang pakikipag-bolahan sa kasuyong Cancer. Markahan ang 1, 14, 23, 32, 39 at 42. Silver t orange ang buenas.
Aquarius – (January 20 – February 18)- Wag maniwala sa sinasabi ng iba, makinig ka sa sarili mong intuition. Sa ganyang paraan, sa lovelife, maiiwasan ang kabiguan, habang sa pinansyal tuloy ang dating ng maraming pera. Markahan ang 5, 18, 23, 34, 41 at 49. Blue at silver ang buenas.
Pisces – (February 19 – March 20)- Sa pag-ibig may suwerteng hatid ang isang Virgo wag mo na siyang pakawalan pa. Sa pinansyal, basta naniwala ka lamang sa sarili mong kakayahan, kusang darating ang suwerte at magandang kaplarang magpapaunlad ng inyong kabuhyan. Markahan ang 6, 18, 24, 40, 46 at 48. Violet at red ang buenas.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending