Bianca Lapus nabulag, muntik ma-comatose habang nagbubuntis | Bandera

Bianca Lapus nabulag, muntik ma-comatose habang nagbubuntis

Julie Bonifacio - January 29, 2020 - 12:55 AM

BIANCA LAPUS AT JIMMY VEALSQUEZ KASAMA ANG APAT NA ANAK

MAGKASABAY na ipinagdiwang ni Bianca Lapus ang first birthday celebration at binyag ng youngest child niyang si Ethan Lawrence last Jan. 19.

Ginanap ang binyag ni Ethan sa Sanctuario De San Antonio Forbes, Makati City. After ng binyag, diretso na ang lahat sa party ni Ethan sa Makati Sports Club.

Kabilang sa mga ninang ang dating Stra Magic artist na sina Lindsay Custodio at Claudine Barretto. Pero naipit daw sa traffic si Claudine kaya ‘di na nakarating.

Nakita naman namin sa party ang celebrity couple na sina Joshua Zamora at Sexbomb Jopay Paguia with their daughter at si Antonio Aquitana.

Very special kay Bianca at partner niya na si Jimmy Velasquez ang double celebration for Ethan. Muntik-muntikan na kasi silang ma-dead sa matinding pinagdaanan nila during and after Bianca’s pregnancy.

“Premature baby siya, yes. And I had preeclampsia. Hindi bumababa ang BP (blood pressure) ko. Ang dami kong pinagdaanan, ang sakit! Nu’ng mga in-inject sa akin. Tapos siya naman nag-stay. Kasi saktong eight months nu’ng ipinanganak ko siya. So, nag-incubator siya. Nag-stay muna siya sa nursery, ang liit-liit niya,” pagre-recall ni Bianca.

Iba-iba raw ang proseso ng injury na tinamo ni Bianca sa pagkikeri kay Ethan. She even had to rent a condo paglabas niya ng ospital after manganak.

“Nu’ng lumabas na ako ospital, naiwan siya. We had to rent a condo nearby. So, everyday I can visit him. Breatsfeed him. ‘Yung skin-to-skin. Ganoon katindi,” aniya pa.

Ang preeclampsia ay isang kondisyon during pregnancy where there is a sudden rise in blood pressure and swelling, mostly in the face, hands and feet. Thankful siya sa OB-Gyne na si Dr. Villamor na siyang nag-alaga at tumutok sa kanya during her pregnancy. Si. Dr. Villamor ay isa sa hosts ng programang “Pinoy MD.”

“Ano siya, ang forte niya talaga is high-risk pregnancy. So, talagang nagtiwala naman ako kahit na dumating ako sa punto na wala na akong nakikita, oo.

“I was kind of blind for few days. Tapos iba na ang pakiramdam ko. Nagsusulat na ako ng mga habilin. Kasi, sinabi talaga sa akin na, ‘You can have cardiac arrest. Pwede kang ma-comatose.’ Talagang literal na ang kalahati ng paa mo, nasa hukay na talaga,” she added.

Pangatlo si Ethan sa mga anak nila ni Jimmy, the other two boys ay sina Exekiel Lawrence at Elijah Lawrence. Ang panganay niya ay si Isaiah na anak niya kay Vhong Navarro.

May 15 taon nang nagsasama sina Bianca at Jimmy pero ‘di pa raw nila napag-uusapan ang kasal. Sakto naman at lumapit sa amin si Jimmy at ipinasa ni Bianca ang tanong sa partner niya kung kailan sila magpapakasal.

“Another ano, two boys pa,” sagot ni Jimmy. Sigaw ni Bianca, “Waah! Ayoko na!”

Pinag-uusapan naman daw nila ni Jimmy ang tungkol sa kasal. At alam ni Jimmy ang pinagdaanan niya when she got married to Vhong.

“Siyempre bata ako nag-asawa noon kay Vhong. So, nagka-annulnent kami. Hindi siya talaga naging madali for me,” sabi ni Bianca.
Pero, para sa kanya si Jimmy na raw ang lalaking gusto niyang makasama habang-buhay.

“Wala na akong ibang naiisip na pewdeng pakasalan. Magkasundung-magkasundo kami. Mahal niya ‘yung mga anak ko. Very hands-on din siya. ‘Yun talaga ang hinihingi ko (na qualities) na maka-partner.”

Dagdag pa niya, “Saka we’re friends. Hindi ko nga inakala na magkakatuluyan kami. Magbarkada kami. May girflriend siya, may boyfriend ako. Kung kani-kanino ko pa siya pinapa-date. Ang ending, nagka-developan kami.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sa ngayon, may talent management na si Bianca. At isa sa mga mina-manage niya ay ang kanyang kumare na si Claudine.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending