Horoscope, January 28, 2020 | Bandera

Horoscope, January 28, 2020

Madam Sophia |January 28,2020
facebook
share this

Horoscope, January 28, 2020

Madam Sophia - January 28, 2020 - 12:15 AM

Para sa may kaarawan ngayon: Sa taong ito ng 2020 puro magagandang pangyayari ang magaganap at mararanasan. Kaya kapag maraming-marami ng suwerte ang iyong natatanggap, ipamigay mo ito sa iba lalo na sa mga naghihirap at sa mga biktima ng pagputok ng bulkang Taal upang lalo ka pang palarin sa iyong buhay. Markahan ang 3, 15, 28, 31, 33 at 43. Yellow at apple green ang buenas. Swerte sa initial na S. at E.
Aries – (Marso 21-April 19)-Sa isang pagtitipon may pagkakakitaag mabubuksan sunggaban mo agad. Sa lovelife, isang Sagittaius ang magpapa-cute sa iyo, puwede na syang pagtsagaan, tutal malapit na ang Valentine’s day. Mapalad ang 3, 12, 18, 25, 34, at 44. Red at pink ang buenas. Swerte sa initial na O. at P.
Taurus – (April 20-May 20)- Pagdating sa kaibigan, ikaw ang pinakamapalad, iniisip mong marami kang mga tapat at mabuting kaibigan, subalit dapat ka pa ring mag-ingat isang kaibigang Leo ang manloloko sa iyo. Sa pag-ibig, isa lang ang dapat mong pagkatiwalaan ang kasuyong Virgo. Markahan ang 5, 14, 23, 32, 40 at 49. Red at purple ang buenas. Swerte sa initial na J. at N.
Gemini – (May 21-June 21)- Magkakatotoo na ang iyong mga pangarap basta’t wag ka lang magpabago-bago ng isip. Mag-concentrate sa dalawang gawain lamang – pagkakamal ng maraming pera at pagmamahal sa pamilya. Markahan ang 3, 18, 27, 34, 40 at 47. Violet at blue ang buenas. Swerte sa initial na R. at T.
Cancer – (June 22- July 22)- Kailangan ang pagmamahal mula sa opposite sex. Kapag kasi may muling dumating wag ka ng maging pihikan, sunggaban mo agad. Sa lovelife, habang lumalamig ang panahon lalo namang magiinit ang pagmamahalan. Markahan ang 2, 7, 20, 25, 34, at 44. Green at yellow ang buenas. Swerte sa initial na B. at N.
Leo – (July 23 – August 22)- Sa taong ito ng 2020, kakasyahan ka ng langit, kaya naman kahit anupa ang gustihin mo iyon ang mangyayari. Kaya magsimula ka nang mangarap at magkagusto ngayon, upang sa taong ito ng animal sign na Rat, ang lahat ng gustuhin mo ay matutupad at mapapas sa iyo. Markahan ang 5, 9, 18, 27, 33, at 45 Green at white ang buenas. Swerte sa initial na S. at R.
Virgo – (August 23 – September 22)- Kahit na sobrang busy maglaan ng oras para makausap ang minamahal upang lalong tumibay ang relasyon, alalahanin mong malungkot mawalan ng love life sa nalalapit na Araw ng mga Puso. Sa pinansyal, wag hayaang sumama ang loob ng isang kaibigang Taurus ng dahil na naman sa pera. Markahan ang 6, 19, 21, 27, 38, at 44. Pink at yellow ang buenas. Swerte sa initial na I. at L.
Libra – (September 23-October 23) – Sa taong ito umiwas sa mga intriga dahil ito ang sisira sa iyo at magbibigay ng malaking problema. Sa pinansyal wag ikalungkot ang kawalan ng salapi, dahil pagpasok ng buwan ng Pebrero, kusa ng gaganda ang pasok ng pera. Markahan ang 5, 14, 23, 32, 33, at 47. Blue at silver ang buenas. Swerte sa initial na W. at R.
Scorpio – (October 24 – November 21)-Ganon talaga ang pag-ibig, kahit ilang ulit at ilang beses ka pang masaktan, siya pa rin ang tinitibok ng iyong puso. Mag-ipon ka ng maraming pera at magpayaman, upang muling bumalik ang kasuyong Cancer. Markahan ang 6, 19, 24, 34, 38 at 49. Magenta at lilac ang buenas. Swerte sa initial na M. at N.
Sagittarius – (November 22 – December 21)- Wag magdamdam sa mga puna at pintas ng iba basta gawin mo lang ang alam mong tama at makikita mo sa bandang huli ikaw din ang mananaig at magtatagumpay. Sa lovelife, hinihintay ka na ng kasuyong Gemini. Markahan ang 5, 17, 22, 32, 40 at 49. Beige at pink ang buenas. Swerte sa initial na P. at L.
Capricorn – (December 22 – January 19)-Ubusin ang oras sa pag-gawa ng mga bagay na pagkakaperahan, tangihan muna ang kasiyahan. Sa lovelife, ang ngiti ng kasuyo ay sapat ng magpapaligaya sa bawat araw. Markahan ang 4, 18, 22, 31, 39, at 41. Red at blue ang buenas. Swerte sa initial na R. at A.
Aquarius – (January 20 – February 18)- Bigyan uli ng pagkakataon ang puso na magmahal. Tandaan mong mapasa iyo man ang lahat ng bagay kung basyo naman ang puso mo wala pa ring kuwenta ang buhay. Sa pinansyal ipamigay ang salapi sa mga mas nangangailangan upang makadama ka ng inner peace of mind. Markahan ang 5, 7, 18, 27, 32, 41 at 48. Gray at lilac ang buenas. Swerte sa initial na D. at G.
Pisces – (February 19 – March 20)-Sa panahong ng ito ng iyong kapalaran, tuloy sa paglago ang kabuhayan, habang sa lovelife, habang nasa malayo may isang nakababaliw at napakasarap na relasyong mabubuo. Ang lahat ng ito ay dapat mong ilihim, upang hindi ka magkamali ng desisyon. Markahan ang 2, 7, 29, 37 40 at 46. Pink at green ang buenas. Swerte sa initial na M. at A.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending