Meiko Montefalco sa pamilya ni Patrick: Alam n'yong nasa rehab!

Meiko Montefalco bumanat sa pamilya ni Patrick: Alam n’yong nasa rehab!

Therese Arceo - August 05, 2026 - 05:50 PM
Meiko Montefalco bumanat sa pamilya ni Patrick: Alam n'yong nasa rehab!

MULING nagsalita ang social media personality na si Meiko Montefalco hinggil sa mga ibinabatong akusasyon sa kanya ng pamilya ng asawang si Patrick Bernardino sa umano’y pagkawala nito.

Sa kanyang Facebook post nitong Martes ng gabi, August 4, nilinaw niya na alam umano ng pamilya ng estranged husband kung nasaan ito.

Giit ni Meiko, ito na ang huling pagkakataon na magsasalita siya hinggil sa isyu dahil ayaw na niyang mas pag-usapan pa ito ng madlang pipol.

“This will be the last time I am addressing this issue dahil ayoko nang pagpiyestahan pa to ng mga tao.

Baka Bet Mo: Meiko Montefalco sinisi sa pagkawala ng asawang si Patrick Bernardino, pumalag

View this post on Instagram

A post shared by Bandera (@banderaphl)

“Patrick is very much alive and he is in a trusted rehabilitation center for his betterment. As a mother, I wish for him to one day face our kids as a better man and a father far from how he was before. Ayokong humarap sya sa mga anak namin na ganoon pa din syang klase nang tao,” saad ni Meiko. 

Aniya, lahat raw ng pruweba ay ipinakita niya sa pamilya ng asawa para mapatunayang naka-admit ito sa isang rehabilitation center.

Ngunit hindi na inilahad sa publiko ni Meiko ang iba pang detalye dahil na rin sa pinirmahang confidentiality agreement.

“I have provided his family enough proofs of his admission to rehab. Proof of life, assertions, positive tests. Mga rason kung bakit kailangan niyang magparehab.

“Lahat ng ebidensyang hiningi nila sa akin noon, pinakita ko. But for the other details, I am contractually bound NOT TO DISCLOSE. At alam din nila ang confidentiality agreement na ‘yon dahil hindi pwedeng ma-disrupt ang rehab process niya,” sey ni Meiko.

Hindi rin daw maituturing na nawawala si Patrick dahil alam naman talaga ng kanyang pamilya ang kinaroroonan nito.

“Hindi yan nawawala dahil alam niyong nasa rehab,” sabi pa ni Meiko.

Masama raw ang kanyang loob dahil sa kabila umano ng kaniyang pakikipag-ugnayan sa pamilya ni Patrick, nagsampa pa rin ang mga ito ng kaso laban sa kaniya.

Lahad ni Meiko, “Napakasama ng loob ko. Noong kasagsagan na nawalanghiya ako at nawala ang lahat-lahat sa akin, pinili nilang kasuhan ako. Ako na lang ang natitira sa mga anak ko.

“Pero hindi man lang nila naisip na sa ginawa nilang ‘yon, nakuhaan pa ako ng oras at panahon na para sana sa mga anak ko, pera pambayad sa mga abogado na para na lang sana sa mga anak ko, at kapayapaan na nawala pa lalo sa akin.”

Dahil nga rito ay tumigil na siya sa pakikipag-ugnayan sa pamilya ni Patrick matapos ma-dismiss ang kaso dahil sa kakulangan ng ebidensya.

Inilahad din niyang nakaranas siya ng matitinding paninira at panghuhusga.

“Pokpok. Palamunin. Kinuha ang pera sa bank account ni Patrick na wala namang laman. Ano pang ipaparatang niyo sa akin? Ano pa?” sabi pa ni Meiko.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sa huli, nanawagan siya na tigilan na ang pagpapakalat ng fake news at binalaan ang sinumang magpapatuloy nito na handa siyang humarap sa korte.

“Ito ay usaping pamilya at legal. Kung ipagpapatuloy niyo ang pagpapakalat ng mga kasinungalingan at paninira, sa korte tayo magkita-kita. Hindi ako natatakot sa inyo dahil kakampi ko ang katotohanan,” pagtatapos ni Meiko.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending