Chad Gammad ipinagtanggol si Apple David: Mag-isip naman kayo 

Chad Gammad ipinagtanggol si Apple David sa bashers: Mag-isip isip naman kayo

Therese Arceo - August 05, 2026 - 09:47 PM
Chad Gammad ipinagtanggol si Apple David sa bashers: Mag-isip isip naman kayo 

MATAPANG na dinipensahan ng batang basketbolista na si Chad Gammad ang kanyang courtside reporter girlfriend na si Apple David laban sa bashers.

Patuloy pa rin kasi ang natatanggap na batikos ng kontrobersyal na courtside reporter matapos nilang aminin ang kanilang relasyon dahil sa malaking age gap.

Tila hindi na nga nakapagpigil si Chad sa mga hindi magagandang pahayag laban sa kanyang dyowa at sinita ang isang netizen na nag-edit ng larawan nila ni Apple.

“Year 2015. Who would’ve thought we were meant to be?” nakalagay sa edited photo nila kung saan tila elementary pa lang siya habang dalaga na si Apple.

Baka Bet Mo: Apple David nag-sorry sa mga na-offend sa relasyon kay Chad Gammad

View this post on Instagram

A post shared by Bandera (@banderaphl)

“Mag isip isip naman kayo bago kayo mag comment o baka may sira talaga sa utak nyo,” saad ni Chad.

Aniya, wala namang ginagawang masama ang kanyang dyowa para makatanggap ng ganoong hate.

“wala naman ginawang masama si apple sa inyo bat ganun kayo kabilis mag bash,” dagdag pa ni Chad.

Giit niya, may mga bashers na paniguradong hindi matatanggap na bumuboses na siya para ipagtanggol ang dyowa.

“tas sabihin nyo na namn na si apple nag comment neto [laughing emojis],” sey pa ni Chad.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Matatandaang naging maingay ang pangalan nito Apple noong May 2026 matapos mapansin ng netizens ang koneksyon nila ng batang basketbolista.

Kalaunan ay inamin naman ni Apple na anim na buwan na silang nasa dating stage at humingi ng tawad sa mga nasaktan sa kanilang relasyon.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending