Carmina Villarroel sa past nila ni BB: Guys, hindi pa rin kayo nakaka-move on!?

TAKANG-TAKA si Carmina Villarroel kung bakit hanggang ngayon ay patuloy pa ring binabalikan ang paghihiwalay nila ni Rustom Padilla.
Feeling kasi ng wifey ni Zoren Legaspi, kahit napakaraming taon na ang nakalipas ay hindi pa rin nakaka-move on ang ilang fans sa nangyari sa kanila ni Rustom na kilala na ngayon bilang transwoman – si BB Gandanghari.
Napag-usapan ang tungkol dito sa nakaraang episode ng podcast ng broadcast journalist na si Karmina Constantino.
“Minsan napapag-isip ako, pero ngayon natatawa na lang ako. Parang ‘guys, hindi pa ba talaga kayo nakakapag-move on?’ ‘Yung parang ‘talaga ba?’
“I mean nawala na nga ‘yung tao na ‘yon and yet hindi pa rin kayo nakakapag-move on. So hindi ko na alam,” ani Carmina.
“Ang iniisip ko na lang ang dami nilang oras. I’m so naiinggit to them because they have every time in the world to compare. May mga ‘what ifs’ sila in life, hindi pa sila makapag-move on,” saad pa ng nanay nina Mavy at Cassy Legaspi.
Sa tanong kung paano ang proseso niya sa pagmu-move on pagdating sa heartbreak, sey ni Mina, “Wala kang choice but to move on. Like I said, we don’t live in a perfect world.
Baka Bet Mo: BB Gandanghari umaming hindi sila ‘magkaibigan’ ngayon ni Carmina
“So, you’re given this situation, ano ang gagawin mo? So it’s either gawan mo ng solusyon, mag-move on ka or namnamin mo ang problema at ganyan ka na lang for life. ‘Yun lang naman ang choices mo.
“So, gusto ko bang namnamin ang problema? Ayaw natin ‘yon. Ako talaga, I wanted to move on so gagawin mo lahat,” lahad ng aktres at TV host.
Patuloy ni Mina, “Una diyan is to accept. Accept mo na this has happened to me, wala nang sumbat, sumbat. Kasi pareho niyong ginusto ‘yon.
“It’s just that ‘yun ang ending. It’s a sad ending, wala rin namang may gusto noon. So you just have to be accept. I mean guys nakapag-move on na kami, move on na kayo. Wala na bang iba?” sey ni Carmina.
In fairness, mukhang super happy at kuntento naman si Carmina sa pagsasama nila ngayon ng asawang si Zoren with their twins habang nananatili pa ring single si BB Gandanghari.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.
