Barbie Forteza wildest virgin sa ‘Saving Cherry’: Fatal Attraction moment!

SIGURADONG ikaka-shock ng mga fans ang mga pasabog at paandar na eksena ni Barbie Forteza sa bago niyang pelikula, ang “Saving Cherry.”
Mismong ang award-winning Kapuso star na ang nagsabi na kahit siya ay nagulat sa mga pinaggagawa niya sa latest offering ng Regal Entertainment.
Sa grand mediacon ng “Saving Cherry” na idinirek ni Ivan Andrew Payawal, inilarawan ni Barbie ang kanyang karakter as Cherry bilang “wildest virgin on earth.”
Ito ang magsisilbing comeback movie ni Barbie sa Regal Entertainment matapos makasama “Shake, Rattle & Roll 9” na official entry sa Metro Manila Film Festival 2007.
“I play the role of Cherry. Ang role ko po dito ay I am the wildest virgin you would ever see. She is the wildest woman I ever portrayed to date. Siya yung wildest and most freeing.
“Lahat iyon ipinagpapasalamat ko kay Direk Ivan kasi, not just yung role pero yung freedom of approaching every scene.
Baka Bet Mo: Barbie Forteza todo iwas sa breakup nila ni Jak Roberto: Oh, I’m so sorry…
“Binigyan niya kaming lahat ng buong laya as to how we understood every scene. Nakinig siya sa amin. He is really a good captain. In-unleash ko lang yung wild side ko. Wow!” natawang pahayag ni Barbie.
Patuloy niya, “Yun lang, actually ang saya kasi aminin naman natin, hindi naman lahat kapag mabait, mabait. So, hindi ko rin akalain na meron din akong ganoong side. Wild pero may dahilan, may lalim.
“And most of all, so para ito yung most mature role ko ‘coz we will tackle about marriage, e. Ito yung role ko na kasal na ako agad-agad,” kuwento ng aktres.
May konek sa cheating ang kuwento ng pelikula kaya sure na sure kaming maraming manonood ang makaka-relate rito.
“Ibang level, pero excited sila. They’re excited to see this kasi ibang Barbie ito. Pero, alam ko rin naman na pelikula siya, alam ko rin na gagastos ang manonood dito.
“And so, I made sure kahit paano na maging worth it ang bayad nila kasi hindi nila mapapanood sa free TV ang mga ginawa ko rito,” sey pa ng Kapuso Primetime Drama Princess.
Dagdag pang chika ng dalaga, “Sobrang na-appreciate ko ang Regal Entertainment and Direk Ivan. Sobrang layo ‘yung comparison, pero naalala ko lang, nagkaroon ako ng Glenn Close (Hollywood actress) moment.
“Kasi si Glenn Close before Fatal Attraction, hindi siya nakikita na kaya i-portray ang ganu’n na role hanggang pinilit niya, na-push niya for herself to do it.
“Let me read, kung ayaw n’yo pa rin, sige at least nakita n’yo ako sa role. So, na-appreciate ko ang Regal and Direk Ivan kasi nga this is something that I’ve never done before, and nakita nila na kaya ko.
“So, having that level of trust and support from them, na sila talaga gumastos and pondo ng pelikula na ito. Para sa akin? Grabe rin. Yun level of commitment ko rin sa kanila, hindi matatarawan,” sey ni Barbie.
Ka-join din sa movie sina Khalil Ramos, JC Alcantara, Sassa Gurl, Mika Salamanca, AC Bonifacio at Mikee Quintos.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.
