Jed Madela: Wala akong sama ng loob sa ABS-CBN
AT A recent presscon ay naungkat ang diumano’y pagkakaroon ng sama ng loob ng premyadong singer na si Jed Madela sa ABS-CBN.
Matatandaang wala si Jed sa Christmas ID ng nasabing network gayong isa pa mandin siya sa mga tumatayong hurado sa Tawag ng Tanghalan ng It’s Showtime.
Pero nang mainterbyu kamakailan, itinanggi ni Jed that he harbors ill feelings toward the station. Wala raw ‘yon sa kanya, natural lang daw na magkaroon ng concept ang mga ganu’ng produksiyon.
Obviously, Christmas ang concept. And the very people who are supposed to appear in it are the network artists who are clustered according to their respective shows or programs.
Bahagi rin ng konsepto ang mga kulay associated with Christmas. Alongside ay ang mga kakailanganing set o props, if any, to capture the holiday look.
Bagay sana si Jed na mapabilang among the on camera talents of It’s Showtime, kung saan may separate moment sana sila ng kanyang mga kapwa judges.
But nothing of this sort graced the station ID.
Even Sharon Cuneta (Megastar na ‘yon, ha?) was “snubbed” in the station’s Christmas ID, na sa aminin man niya o hindi ay isang malaking palaisipan sa kanya (na nasundan pa ng Star Magic Ball last year).
Gayunpaman, hindi raw ‘yon isyu kay Jed. At sa pagkakasabi niyang ‘yon ay parang nahihilasan kami.
Salungat kasi ang kanyang cool stance sa mga kuwentong narinig namin noon tungkol sa kanya.
Sa isang musical variety show naman ‘yon kung saan there was one instance na hindi siya isinama sa opening number, to think na binubuo pa mandin ‘yon ng mga Kapamilya artists na matitinik sa larangan ng biritan.
Kinuwestiyon daw ni Jed ang isang production staff, at nakuha naman daw nito ang sagot kung bakit. But Jed wouldn’t buy it.
Nagdayalog daw ito—sa tonong pagalit—ng, “Hindi n’yo ba alam na world class ako?!”
Kung totoo man, may punto naman si Jed being self-assertive. World class nga naman ang kanyang kalibre.
But going back to the Christmas ID ng ABS-CBN of which he wasn’t part, may konsepto ring sinusunod ang mga production number.
Mas nauna pa ngang nangyari ‘yon kesa sa Christmas ID, na dapat sana’y mas naunawaan niya based on his concept line of reasoning ek-ek.
* * *
May iho-host na naman si Alden Richards, ang Centerstage ng GMA. The last talent search he hosted was Bet ng Bayan which was about five years ago pa.
Ang Centerstage ay isang singing competition na para raw’ sa mga kids, na wala rin namang inilayo sa marami na ring kaparehong kontes na inilunsad ng Kapuso network.
Ang ipinagtataka lang namin, whatever happened to the previous grand champions of those singing competitions?
Kamukat-mukat mo, nangawala na sila isa-isa. Even the search program titles ay hindi na nagkaroon ng sumunod na taon o season. Hindi pa man sumisikat, nalaos na.
Tapos, eto’t may bago na naman? Huwag naman sanang ang tatanghaling kampeon sa Centerstage will find himself at the backstage.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.