outbrain

Year of the Metal Rat: Silang swerte ngayong 2020

By Joseph Greenfield January 22,2020
share this

Year of the Metal Rat: Silang swerte ngayong 2020

By Joseph Greenfield January 22,2020
share this

(Part 2 )

DAHIL Metal o Bakal ang pangunahing elemento ngayong 2020, siguradong silang naiimpluwensyahan ng elementong ito ang tiyak na suswertehin.

Tandaan na mapalad na kulay sa taong ito ay white, gold or golden yellow, gray at silver dahil ang metal ay kumakatawan sa pagkakaroon at pagkakamal ng maraming ginto at salapi. Kaya sa mga naghahangad ng yaman, lalo na silang nagtataglay ng Metal Personality at Water Personality ay maaaring swertehin financially ngayong taon.

Ganon din naman, silang mga indibidwal na naiimpluwensiyahan ng planetang Jupiter, tulad nilang isinilang sa zodiac sign na Sagittarius ay tiyak at paniguradong susuwertehin ngayon, ganoon din silang nasa ilalim ng zodiac signs na Leo at Aries.

Likas namang papalarin sa taong ito silang isinilang sa animal sign na Pig, Ox, Rat, Dragon, Dog at Monkey.

Bukod sa kulay na white, gold or golden yellow, gray at silver, mapalad din ang direksyong Kanluran (West) sa taong ito ng 2020. Kung saan, kung ikaw ay magdidisplay ng mga bagay na yari sa bakal o metal, upang masigurado ang pagdating ng suwerte at magandang kapapalaran mas mainam kung ididisplay o ilalagay mo ito sa gawing kanluran bahagi ng inyong bahay.

Bukod sa direksyong West o Kanluran, mapalad din sa taong ito ang direksyong Hilaga o North na siya namang likas na direksyon ng Animal Sign na Rat.

READ MORE:  Sinong suswertehin? https://bandera.inquirer.net/239355/2020-forecast-sinong-suswertehin-ngayong-year-of-metal-rat

Lucky Numbers
Mapalad na numero para sa mga Rat ang numerong 2 at. Lucky Days naman ang 4th, 8th, 13th, at 22 ng bawat buwan.
Hindi rin dapat na kalimutan ang Tubig na likas na elementong taglay ng animal sign na Rat. At dahil diyan, ito ang sekondaryong elemento ngayong taon na magdudulot ng swerte.
Sa madaling salita, ang mga Metal Personality at Water Personality ay tiyak na susuwertehin sa taong ito ng 2020.

Metal ka ba o water?
Pero, paano mo malalaman kung isa kang Metal o Water Personality?
Ganito iyon:
Rat: Silang isinilang sa taong 1924/1936/1948/1960/1972/1984/1996/2008/2020)
Ox: Silang isinilang sa taong 1925/1937/1949/1961/1973/1985/1997/2009/2021)
Pig: Sila na ipinanganak ng 1923/1935/1947/1959/1971/1983/1995/2007/ 2019/2031)
Sila ngayon ang may likas na elementong Water o Tubig. Kaya tatawagin kang Water Personality.
Kung ikaw naman ay:
Monkey: na isinilang ng 1920/1932/1944/1956/1968/1980/1992/2004/2016 at 2028),
Rooster: na isinilang noong taong 1921/1933/1945/1957/1969/1981/2005/2017/2029),
Dog: na isinilang ng 1922/1934/1946/1958/1970/1982/1994/2006/2018/2030)
ikaw ay may likas na elementong Metal o Bakal. Kaya tatawagin kang Metal Personality.

New invention
Pansamantala, sinasabing sa sandaling umiral ang kapangyarihan ng Daga, bukod sa bagong simula, magkakaroon din ng kakaiba at magagarang pag-unlad ng teknolohiya hindi lamang sa ating bansa kundi sa ibang bahagi ng mundo.
Sa kasagsagan ng 2020, makakaimbento ang mga multinational companies na gumagawa ng mga sasakyan ng kakaibang mga sasakyang na magiging sagot sa lumulubhang suliranin sa trapiko, hindi lamang sa ating bansa kundi sa buong mundo.
Sa larangan ng medisina, bago matapos ang taong 2020, inaasahan ding makakalikha ang mga medical expert ng isang super-bilis at super-talino na computer program na makababasa, hindi lamang ng isip, kundi ng buong sistema ng selula at katawan ng isang tao, na may kakayahang makapagpagaling ng lahat ng uri ng karamdaman na hindi napapagaling ng uri ng medisina.

Itutuloy…

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending