outbrain

2020 forecast: Sinong suswertehin ngayong year of the metal rat?

By Joseph Greenfield January 21,2020
share this

2020 forecast: Sinong suswertehin ngayong year of the metal rat?

By Joseph Greenfield January 21,2020
share this

PAGHAHARIAN ng animal sign na rat, ayon sa Chinese astrology, ang taong ito, na taglay ang likas niyang elementong tubig.

Pero ang elementong mamamayani o iiral sa taong ito ay ang elementong bakal, sa sandaling pumasok na ang Chinese New Year sa Sabado, Enero 25.

Alam ba ninyo na bagamat sa Enero 25 ang Chinese new Year, ang pag-iral ng Metal Rat ay magsisimula sa Pebrero 4 na siya ring opisyal na simula ng tagsibol o spring sa China.

Ibig sabihin kung ang isang baby ay isinilang sa saktong petsang February 4, 2020, siya ay tatawaging Metal Rat baby. Pero ang isinilang ng Pebrero 3, 2020 ay nasa ilalim pa rin ng kapalaran ng animal sign na Pig.
Kaya ang isinilang ngayong Enero hanggang Pebrero 3, 2020 ay hindi masasabing Metal Rat baby.

Metal/Water Personality swerte

Bago pa tayo dumako sa pagbibigay kahulugan sa inyong personal “Chinese Elemental Animal Sign Forecast for the year 2020”, ang ipo-forecast muna natin ngayon ay ang pangkalahatang kapalaran ngayong taon na posibleng maganap sa ating bansa, sa daigdig, o sa iyo mismo.

Dahil Metal o Bakal ang iiral na elemento sa taong ito ng Daga, nangangahulugan na lahat ng bagay na naiimpluwensyahan ng Bakal o Metal ay may magandang kapalaran.

Kaya dapat para lalo ka pang suwertehin ngayong 2020, magdisplay ng mga bagay na metal o bakal sa inyong tahanan, bakuran at opisina.

Dahil ang metal ay nasa direksyong Kanluran (West), ang nasabing mga metal ay dapat mong ilagay o idisplay sa direksyong ito sa loob ng iyong bahay o opisina upang matamo ang swerte.

Hindi rin dapat kalimutan ang Tubig na siyang likas na elemento ng daga. Kaya silang isinilang sa impluwensiya ng elementong tubig ay tiyak na susuwertehin din sa taong ito ng 2020.

Sa madaling salita, ang mga Metal at Water Personality ay tiyak na susuwertehin ngayong 2020.

Paano mo naman malalaman kung anong elemento ang iyong taglay? Sasagutin natin iyan sa mga susunod na araw.

New beginning, prosperity

Sinasabing sa sandaling umiral ang kapangyarihan ng Daga sa taong ito, magkakaroon ng bagong simula at bagong kasaganaan ang ating bansa.

Dahil may bagong simula, maaaring ito ay hudyat ng biglaang pagbabago ng porma, hindi lamang sa gobyerno, kundi sa aspetong pang-politikal at pang-ekonomiya ng bansa.

May pagbabago rin sa teknolohiya, lalo na yung may kaugnayan sa komunikasyon — yung mga bagay na iniisip mo dati na akala mong imposibleng mangyayari ay posibleng maganap ngayong taon.

Sa panahong ito, makakaimbento rin ng mga kakaibang teknolohiya, tulad ng makina o pormula kung saan ang tela o mga damit na nabibili sa ukay-ukay ay gigilingin at maaaring gawing pagkain ng tao o hayop.

Makatutuklas din ang mga mananaliksik ng isang sistema at modernong teknolohiya na matapos paghiwa-hiwalayin ang mga basura, maaari na itong gilingin at gawing pagkain, di lang ng hayop kundi ng tao rin.

Lucky color

Tandaan ding ang mapalad na kulay ngayong taon ng Metal Rat ay white, gold or golden yellow, gray at silver.

Ang metal ay kumakatawan sa pagkakaroon at pagkakamal ng maraming ginto at salapi. Kaya sa taong ito, silang mga indibidwal na naghahangad at nagsisikap na yumaman, lalo na silang nagtataglay ng Metal Personality at Water Personality ay maaaring ngayon maganap ang pinapangarap na pagyaman.

Bukod sa kulay na white, gold or golden yellow, gray at silver, at direksyong Kanluran (West), swerte rin ang direksyong Hilaga o North na siya namang likas na direksyon ng Animal Sign na Rat.

Itutuloy bukas: Sino ang suswertehin?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending