outbrain

Tambalang Kisses-McCoy may magic, nagpakilig sa ‘D’Ninang’

By Jun Nardo January 22,2020
share this

Tambalang Kisses-McCoy may magic, nagpakilig sa ‘D’Ninang’

By Jun Nardo January 22,2020
share this

McCOY DE LEON AT KISSES DELAVIN

Nakipagsabayan si Kisses Delavin sa pagdadrama at pagpapatawa ni Ai Ai delas Alas sa pelikulang “D’Ninang” ng Regal Films.

Sa premiere night ng movie last Monday, palakpakan ang audience sa mga eksena nina Ai Ai at Kisses, huh! Aliw aliw sila sa batuhan ng punchlines ng dalawa.

Of course, hindi rin nagpahuli si McCoy de Leon sa kanyang mga eksena sa pelikula. Marami ang nagsabi na ramdam na ramdam nila ang chemistry nina McCoy at Kisses lalo na sa kanilang mga tinginan at lambingan sa movie.

Ang isa pang kahanga-hanga sa “D’Ninang” ay baguhang si Angel Guardian na gumaganap na ampon ni Ai Ai. Magaling siya, lalo na sa confrontation scene nila ng Comedy Concert Queen.

Siyempre, wala pa ring kupas ang husay ni Ai Ai mapadrama man o comedy. Bagay na bagay sa kanya ang role bilang leader ng sindikato na nagnanakaw pero matulungin at mapagmahal sa kanyang mga kaibigan at kabarangay.

Nakakatawa pero may hatid pa ring kurot sa puso ang pelikulang idinirek ni GB Sampedro. Showing na ngayon ang “D’Ninang” sa mga sinehan nationwide.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending