'Torture kay Yeng ang cyberlibel case na isinampa ng doktor sa Siargao!' | Bandera

‘Torture kay Yeng ang cyberlibel case na isinampa ng doktor sa Siargao!’

Jun Nardo - January 12, 2020 - 12:27 AM

YENG CONSTANTINO

TORTURE para kay Yeng Constantino ang kasong isinampa sa kanya ng isang doktora.

 Sa Regional Trial Court Branch 31 ng Dapa, Surigao del Norte isinampa ang cyberlibel case laban kay Yeng at kamakailan nga ay nag-issue na ng warrant of arrest ang korte.

Nakapag-post na siya ng kaukulang piyansa dito sa Metro Manila na inayos ng kanyang legal counsel na si Atty. Joji Alonso, pero kapag nag-hearing na, kailangan sa korte ang presence niya.

       Siyempre, magastos sa pamasahe at accommodation ang haharapin niya, bukod pa sa abalang ibibigay nito sa kanyang pagtatrabaho.

Eh, hindi naman sa lahat ng pagkakataon ay tanging abogado lang niya ang kailangang pumunta sa korte kada hearing, huh!

       May proseso sa hearing na kailangan ang presence niya or else, baka maisyuhan siya ng tinatawag na bench warrant kapag absent siya sa ilang bahagi ng pagdinig sa kaso.

Ikinagulat ng kampo ni Yeng ang pag-iisyu ng warrant of arrest laban sa kanya para sa nasabing kaso dahil wala raw kaalam-alam ang singer-actress na may reklamo palang naisampa sa kanya sa Surigao del Norte.

Ito’y may koneksyon pa rin sa inilabas na vlog ni Yeng tungkol sa umano’y pagpapabaya ng ilang staff sa isang ospital sa Siargao kung saan isinugod ang kanyang asawang si Yan Asuncion matapos madisgrasya nang mag-cliff diving sa isang lagoon doon. Dahil dito nagkaroon ng temporary memory loss ang mister ni Yeng.

Inireklamo ni Yeng ang attending physician na si Dr. Esterlina Tan mula sa Dapa Siargao Hospital at ang ilang staff ng ospital at kasunod na nga ang pamba-bash sa kanya ng mga netizens. Nag-sorry naman agad ang singer hanggang sa bigla na lang bumandera ang balita na may arrest warrant na siya para sa kasong cyberlibel na isinampa ni Dr. Tan.

       Kaya lesson learned, sabi nga ng GMA Network, “Think before you click.”

Samantala, ready daw na tumulong ang Philippine Medical Association (PMA) sa kasong kinasasangkutan ni Yeng ay ng miyembro nitong si Dr. Tan.

Sa pamamagitan ng PMA spokesperson at chairman ng PMA Commission on Ethics na si Dr. Bu Castro, sinabi ng grupo ng mga doktor na handa silang mamagitan sa dalawang kampo.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“The PMA has become aware that the unfortunate incident in Siargao involving Dr. Esterlina Tan and Madam Yeng Constantino has evolved into a court case, be that as it may the PMA is always open and offers its venue for a possible settlement between Dr. Tan and Madam Yeng Constantino,” ayon sa official statement ng PMA.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending